• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rematch ni Donaire kay Inoue itinakda na sa Hunyo

ITINAKDA na sa Hunyo ang rematch fight ni Filipino boxer Nonito Donaire kay Japanese Naoya Inoue.

 

 

Gaganapin ang bantamweight title unification fight sa June 7 sa Saitama, Japan na magiging mas mainit aniya ito kumpara sa unang paghaharap ng dalawa noong 2019.

 

 

Nakataya dito ang WBA at IBF titles ng unbeaten Japanese boxer at ang WBC belt naman ng tinaguriang ‘The Filipino’ Flash.

 

 

Ang laban kasi ng dalawa noong 2019 ay tinagurian bilang fight of the year kung saan makikitang nakarecover si Inoue mula sa fractured eye socket nito sa 11 round.

 

 

Ang tinaguriang 28-anyos na ‘Monster’ ng Japanese boxing ay wala pang talo sa kanyang 22 laban kung saan mayroong 19 knockouts.

 

 

Habang si Donaire ay mayroong 42 na panalo at anim na talo.

 

 

Huling laban ni Inoue ay noong Disyembre ng patumbahin sa ikawalong round ang Thailand boxer na si Aran Dipaen habang ang 39-anyos na si Donaire ay pinatumba ang kababayan na si Reymart Gaballo noong Disyembre para makuha ang WBC belt.

 

 

Tinaguriang pinakamatandang 118 pounds world champion si Donaire ng talunin si Nordine Oubaali noong Mayo 2021.

Other News
  • Ads November 21, 2022

  • Arcilla kinopo kampeonato ng San Carlos City Nat’l Netfest

    SINUNGKIT ni Johnny Arcilla ang isa pang men’s singles Open trophy sa napaikling senaryo sa katitiklop  na PPS-PEPP San Carlos City National Tennis Championships pagkaretiro ni Jose Maria Pague sa second set dahil sa tama sa singit sa Negros Occidental.     Kinasangkapan ni Arcilla ang pagiging ismarteng beterano sa pagtarak ng 6-3 sa opening […]

  • HVI drug suspect nasilo sa Navotas buy bust, higit P.3M droga, nasabat

    ISANG drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) ang timbog matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na nakatanggap […]