• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Remittance inflows, patuloy na bumababa – BSP

INIHAYAG  ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang mga remittance inflows mula sa mga Overseas Filipino ay patuloy na bumababa noong Pebrero upang markahan ang pinakamababang antas sa loob ng siyam na buwan.

 

 

Ang mga cash remittances o money transfer na ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko o pormal na channel ay umabot sa $2.5 billion, bumaba mula sa $2.7 billion na naitala noong Enero.

 

 

Pinakamababa naman ang naitalang $2.4 billion noong Mayo 2022.

 

 

Gayunpaman, ito ay 2.4% na mas mataas kaysa sa $2.5 billion noong Pebrero 2022 na iniugnay ng BSP sa mas mataas na mga resibo mula sa mga international workers.

 

 

Ayon sa BSP, ang pagpapalawak ng mga cash remittances noong Pebrero 2023 ay dahil sa paglaki ng mga resibo mula sa mga land at sea based workers.

 

 

Gayundin, ang mga personal remittance na kabuuan ng mga paglilipat na ipinadala sa cash o in-kind sa pamamagitan ng mga informall channel — ay naitala sa $2.8 billion.

Other News
  • Bilang ng mga walang trabaho sa bansa nabawasan – PSA

    NAKABALIK na sa pre-pandemic level ang bilang ng walang trabaho sa bansa.     Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) na nitong Oktubre ay umabot na sa 4.5 percent ang bilang ng mga walang trabaho ito na ang pinakamababang level sa loob ng 17 taon.     Mas mababa pa ito ng limang porsyento noong […]

  • World Bank, pinalilinis sa PH gov’t ang listahan ng mga benepisaryo ng social programs

    HINIMOK ng World Bank ang pamahalaan ng Pilipinas na linisin ang listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).     Ayon kay World Bank Senior Economist for Social Protection and Job Global Practice Yoonyoung Cho, nakita nila na karamihan sa mga benepisyaryo ng cash transfer program ay hindi naman karapat-dapat.     […]

  • Maharlika Fund, magiging fully operational bago magtapos ang 2023

    INAASAHAN na magiging “fully operational” ang Maharlika Investment Fund (MIF), “very first sovereign wealth fund” ng Pilipinas  bago matapos ang taon.     Kumpiyansang ipinahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang Maharlika Fund bill,  matapos na aprubahan ng Kongreso noong nakaraang linggo, in-adopt ang bersyon ng Senado sa  bicameral conference committee meeting, ay nakatakdang […]