• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rep. Camille Villar, nagbabala sa publiko hinggil sa mga scammers na ginagamit ang kanyang pangalan

NAGBABALA sa publiko si Las Pinas Rep. Camille Villar sa mga scammers na nagpapakilala o nagi-impersonate sa mambabatas.

“It has come to my attention that several persons or entities have been unscrupulously using my name and pretending to be my representatives to defraud unwitting victims,” ani Villar.

Nag-aalok ang nagpapakilalang kongresista ng business opportunities o investments upang lokohin ang publiko.
“Please be aware that these claims are false and are intended to scam the public,” anang mambabatas.
Pinayuhan ni Villar ang publiko na kung makakatanggap ng ganitong mensahe ay agad itong i-ulat sa otoridad.
Ang anuman aniyang lehitimong business opportunities o announcements na manggagaling sa mambabatas ay ilalagay o ipo-post sa official social media accounts ni Villar. (Vina de Guzman)
Other News
  • ‘Red flag’ itinaas ng DOH sa pagsirit ng COVID-19 cases

    Nakatakdang pulu­ngin ng Department of Health (DOH) ang mga opisyal ng iba’t ibang pagamutan sa Metro Manila matapos ang biglaang pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.     Inamin ni Philippine General Hospital spokesperson Jonas del Rosario na nakararanas sila ngayon ng “red flag” dahil sa pagsirit ng mga kaso sa maigsing panahon. […]

  • Ads March 9, 2021

  • Animal lover at Kapuso actress Carla Abellana, may feeding program sa mga stray animals

    Siguradong ikatutuwa ng mga fans ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose ang balitang ito, dahil matutupad na ang request nila sa GMA Network na bigyan ng isang serye ang idolo nila.  Matagal-tagal na rin ang huling teleserye na ginawa ni Julie Anne, sa Kapuso Network, ang “My Guitar Princess,” noon pang July, 2018.  […]