Rep. Edcel Lagman, pumanaw na, 82
- Published on February 1, 2025
- by Peoples Balita
INANUNSYO ni Tabaco City Mayor Krisel Lagman ang pagpanaw ng kaniyang amang si Albay 1st District Rep. Edcel Lagman sa edad na 82.
Sinasabing atake sa puso ang ikinamatay ng mambabatas, bandang alas-5:01 nitong Huwebes.
Si Lagman ay ipinanganak noong May 1, 1942.
Siya ay nagsilbing minority leader at iba pang posisyon sa Kamara.
Naging bahagi rin siya ng iba’t ibang political party:
Liberal Party (2012–2025)
UNIDO (1980–1988)
LDP (1988–2001)
LAMMP (1998–2001)
Lakas–CMD (2001–2012)
Siya ang presidente ng LP hanggang sa panahon ng kaniyang pagpanaw.
“It is with profound sadness that we announce the passing of our beloved father, Albay First District Representative and Liberal Party President Edcel C. Lagman. He left this world the way he lived his life – with integrity, compassion, and fearlessness. He fought until the end with the dogged determination, tenacity, and unshakable hopefulness that defined all that he stood for,” wika ni Mayor Krisel Lagman. (Daris Jose)
-
AstraZeneca ipinatigil muna
Pansamantalang sinuspinde ng Department of Health (DOH) ang pagtuturok ng AstraZeneca vaccine sa mga edad 59 pababa kasunod ng abiso ng Food and Drug Admi-nistration (FDA) dahil sa ulat na may mga nabakunahan ang nakaranas ng blood clotting o pamumuo ng dugo at pagbaba ng platelet count. “We are aware of the recommendation of […]
-
Pangakong pagsakay sa Jetski papuntang West Philippine Sea, pure campaign joke-PDu30
“It was a pure campaign joke.” Ito ang inamin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa kanyang sinabi noong 2016 ukol sa pagsakay niya sa jetski para pumunta ng West Philippine Sea at sabihin sa mga Tsinoy na pag-aari ito ng Pilipinas. Patuloy kasing inuungkat ng kanyang mga kritiko ang naging pahayag nito […]
-
DA, tinitingnan ang pagbubukas ng Kadiwa sites sa Pepito-hit areas
TINITINGNAN ng Department of Agriculture (DA) ang pagbubukas ng Kadiwa sites sa mga lugar na matinding naapektuhan ng Super Typhoon Pepito (international name: Man-yi) upang maging mas accessible ang mas maraming affordable agricultural commodities. Sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa na makikipagtulungan sila sa regional at local officials. “Doon sa mga […]