Rep. Paolo “Pulong” Duterte, nakakuha ng travel clearance para sumunod sa kanyang ama sa Netherlands
- Published on March 13, 2025
- by Peoples Balita
MATAPOS umalis ng Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte patungong The Hague para harapin ang International Criminal Court, nakakuha ng travel clearance ang kanyang anak na si Rep. Paolo “Pulong” Duterte para makasunod sa kanya.
Sinabi ni Secretary General Reginald Velasco na nagsumite ng si Paolo ng kanyang travel clearance request kay Speaker Martin Romualdez nitong Marso 11 para makabiyahe sa Netherlands at Japan mula Marso 2 hanggang Abril 15, 2025.
Sa liham, sinabi ni Paolo na gagamitin niya ang kanyang personal funds sa naturang biyahe.
Inaprubahan naman ni Speaker Romualdez ang request para sa travel clearance.
“As requested, travel clearance is hereby granted to the Honorable Paolo Z. Duterte, Representative, 1st District, Davao City, in connection with his personal trip to the Netherlands and Japan on March 12 to April 15, 2025,” nakasaad sa clearance (Vina de Guzman).
-
Barangay captain sa Caloocan pinagbabaril todas, asawa sugatan
NASAWI ang isang incumbent barangay captain habang sugatan naman ang kanyang asawa matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding-in-tandem criminals sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, dead-on-the-spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Gerardo Ragos Apostol, 56, Kapitan ng Barangay […]
-
Ads September 19, 2024
-
Alex Eala bigong makausad sa next round ng Singapore Tennis Open
Nabigo sa qualifying round ng Singapore Tennis Open si Pinay tennis ace Alex Eala. Hindi nito ng nakayanan ang lakas ni Simona Waltert ng Switlzerland sa score na 6-3,6-2. Ang panalo sana para kay Eala ay tiyak na ang pagpasok nito sa main draw ng torneo subalit ginulat siya ng world number 167 na Swiss star ang 19-anyos […]