• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Request sa GMA na pagsamahin uli sa serye: Nabubuong loveteam nina BARBIE at DAVID, tanggap ng mga netizens

ACCEPTED ng mga netizens ang nabubuong love team nina Barbie Forteza at David Licauco, at sila pa ang nagbuo ng Team FiLay sa historical fantasy portal na “Maria Clara at Ibarra.”  

 

 

Open din sa mga fans ang real love story nina Barbie at sa boyfriend nitong si Jak Roberto. Si David naman ay may girlfriend na isang volleyball player at hindi rin ito inililihim ni David.

 

 

Pero nagki-click nga ang roles ni Barbie bilang si Klay ng Gen-Z na pumasok sa daigdig nina Maria Clara at Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere.

 

 

Si David naman ay ang best friend ni Ibarra (Dennis Trillo), si Fidel, na nagkagusto kay Barbie na tinatawag niyang Binibining Klay, na naging responsibilidad ni Ibarra nang iligtas niya ito at pinatira sa kanyang tahanan dahil walang kakilala si Klay doon.

 

 

Ngayon ay niri-request na ng mga netizens sa GMA na dalhin naman sa labas ng portal si David, sa present time ni Klay at maging end game sila ng “Maria Clara at Ibarra.”

 

 

Request din nilang pagsamahin muli sina Barbie at David sa isang bagong project.  Kung matatandaan, minsan na ring nagkasama sina Barbie at David nang mag-guest si Barbie sa “Heartful Café” na pinagtamalan naman nila ni Julie Anne noon.

 

 

Meanwhile, pinagsasabay pala ni David ang showbiz at pagiging owner ng Korean restaurant na Kuya Korea na matatagpuan sa Ayala Malls sa UP Town Center.

 

 

Nakatutuwang makita si David na nagluluto ng order ng mga customers nila at siya pa ang nagsi-serve nito kapag naluto na niya.

 

 

Don’t miss the next episodes ng “Maria Clara at Ibarra” na nalaman na ni Maria kung sino ang tunay niyang ama.

 

 

Paano nila tatanggapin ito ni Crisostomo na handang-handa nang pakasalan si Maria?

 

 

Ang serye ay napapanood gabi-gabi, 8PM sa GMA-7 after “24 Oras.”

 

 

***

 

 

NAKATUTUWANG panoorin ang mga Sparkle GMA Artists na sina Kate Valdez, Faith Da Silva at Rere Madrid sa GMA Afternoon Prime na “Unica Hija,”

 

 

Kung magkaka-away kasi sila sa serye, off-camera naman ay very sweet nila sa isa’t isa, lalo na kung sabay-sabay silang nagti-taping ng serye, kasi kaaway nila si Hope (Kate) sa story.

 

 

Inggit kasi si Carnation (Faith) kay Hope at galit naman si Rere kay Hope dahil inagaw daw sa kanya ang dating boyfriend niya (Kelvin Miranda) kahit na anong pa-seksi ang gawin niya.

 

Sa isang interview, inamin ni Rere, nakababatang kapatid ni Ruru Madrid, na ayaw panoorin ni Ruru at ng family nila ang eksena niya dahil sa pagiging daring ng character niya, na siya pa ang kumi-kiss sa dating boyfriend niya.

 

Ang “Unica Hija” ay nagtatampok din kay Katrina Halili, at napapanood daily, 3:25 PM sa GMA-7 after ng “Abot-Kamay na Pangarap.

 (NORA V. CALDERON)

Other News
  • 47 HEALTH PROTOCOL VIOLATORS SA NAVOTAS POSITIVE SA COVID

    Nagpositibo sa COVID-19 ang 47 sa 209 health protocol violators na nadakip mula March 16-19, 2021 sa Navotas city.     Nagpasa ang Navotas ng City Ordinance No. 2021-17 na nagpapataw ng mandatory RT-PCR swab test penalty sa mga lalabag sa safety protocols kabilang curfew, pagsuot ng face mask, at social distancing.     “This […]

  • 5 lugar sa NCR inilagay sa COVID-19 moderate risk

    TUMAAS  sa “moderate risk” ang klasipikasyon ng apat na lungsod sa National Capital Region kasama ang Pateros, ayon sa Department of Health (DOH).     Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito ay batay sa dalawang linggong growth rate ng mga lungsod, average daily attack rate (ADAR), at kapasidad ng kanilang mga health […]

  • Ads July 28, 2021