RESIDENTE SA NAUJAN,ORIENTAL MINDORO, PINAPALIKAS NG DOH
- Published on March 7, 2023
- by @peoplesbalita
PINAPALIKAS ng Department of Health (DOH) ang mga residente sa Naujan Oriental Mindoro at iba pang lugar na apektado ng oil spill.
Ito ang sinabi ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa kanyang pagbisita nitong Linggo sa nasabing probinsya upang tignan ang sitwasyon ng mga apektadong residente matapos lumubog ang motor tanker (MT) Princess Empress at nagdulot ng malawakang oil spill.
“Pinapaalalahanan ng Kagawaran ng Kalusugan ang mga mamamayan ng kung ang lugar ng oil spill ay malapit sa inyong tirahan, mas mainam kung tayo ay humanap ng pansamantalang matitirah ito ay hindi pa nakakalap ” ani Vergeire.
Kung ang mga apektadong residente ay hindi makakatakas, dapat nilang sundin ang mga kinakailangang pag-iingat, sabi ni Vergeire .
Pinayuhan din nito ang mga residente na huwag lumangoy sa baybayin na apektado ng langis at iwasang madikit sa sediment,buhangin ,lupa o mga bagay na kontaminado ng langis.
Paalala pa ni Vergeire na hindi maaaring gumamit ng tubig na kontaminado ng langis para sa pagkonsumo ng mga tao o hayop .
Huwag ding kumain ng isda at iba pang pagkaing dagat na nahuli malapit sa oil spill.
Sa hiwalay na abiso, pinaalalahanan din ng DOH ang mga respo Dee’s ,volunteers at clean up workers na dapat magsuot ng personal protective equipment (PPE) gaya ng protective suits, safety glasses, at gloves sa panahon ng operasyon.
Dapat din aniyang linisin ang kanilang PPE pagkatapos gamitin. GENE ADSUARA
-
Alert Level 0′ , posible kung ang COVID-19 ay magiging endemic —Densing
POSIBLENG ipatupad ang “Alert Level 0” status kung idedeklarang endemic ang COVID-19 sa bansa. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III na ang alert status ay puwedeng ihatol kung ang COVID-19 ay hindi na nakakaapekto sa buong bansa. “Ang […]
-
DepEd, ipauubaya na sa OSG ang paghahain ng kaso hinggil sa biniling ‘pricey’ laptop
IPAUUBAYA na ng Department of Education (DepEd) sa Office of the Solicitor General (OSG) ang paghahain ng kaso laban sa mga opisyal at tauhan na sangkot sa di umano’y biniling overpriced laptop. Sa isang Viber message, siniguro ni DepEd spokesperson Michael Poa na handa silang tanggapin ang official report ng Senate Blue Ribbon […]
-
Hotshots tinuhog ang quarterfinals
KUMAWALA ang Magnolia sa third period patungo sa 103-83 pagpapalubog sa Phoenix para angkinin ang unang quarterfinals berth sa PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum. Nagsumite si import Mike Harris ng 20 points, 13 rebounds, 2 assists at 2 steals para sa 6-0 record ng Hotshots habang may 18 markers si […]