Residential area na dati ng nasunog, muling nilamon ng apoy
- Published on November 29, 2024
- by @peoplesbalita
MAKARAAN na nasunog ng halos wala pang isang taon ang ilang kabahayan sa Barangay 310 sa Sta.Cruz, Maynila ngunit muli itong nilamon ng apoy Miyerkules ng gabi.
Nagsimula ang sunog alas 9:41 ng gabi at mabilis ang pag-akyat ng alarma na umabot sa 5th alarm sa loob lamang ng 30 minuto.
Dahil ito sa mga bahay na pawang mga gawa sa light materials at mga barong-barong.
Ang nasunog na residential area ay bakod lamang ang pagitan nito sa Manila City Jail.
Unang naitala ang sunog sa apat na palapag na bahay na pagmamay-ari ni Gerardo Bantay.
Ala-1:49 ng madaling araw ng ideklarang fire under control ang insidente at nasa halos 250 na bahay ang nadamay.
Dalawang sibilyan ang naitalang sugatan na isang senior citizen na nakaramas ng paso sa katawam at isang 25-anyos na nahirapan sa paghina na kapwa naman nasa maayos na kalagayan.
Tinatayang aabot sa P3,750,000 ang halaga ng pinsala ng nasabing sunog at nasa 500 pamilya o 1,500 na indibidwal ang apektado. GENE ADSUARA
-
Cebu City, isinailalim na sa state of calamity dahil sa Bagyong Agaton
TULUYAN nang nagdeklara ng state of calamity si Cebu City Mayor Mike Rama sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Agaton na nagdala ng walang humpay na pag-ulan sa lungsod. Alinsunod sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, ipinatupad rin ng alkade ang “no work, no classes” ngayong araw bilang preventive […]
-
Mga rehiyon na may mataas na Covid-19 vaccine coverage dapat na tutukan ang pagbibigay ng booster shots —Galvez
KAILANGANG tutukan ng mga rehiyon na may mataas na COVID-19 vaccine coverage ang pagbibigay ng booster shots. Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi, sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na 12 mula sa 17 rehiyon ng bansa ay maaari nang ikunsidera na mayroong mataas […]
-
Pinas, may pagkakataon na para maipakita ang pagsisikap na protektahan ang karapatan ng mga mamamayan – NTF-ELCAC
MAIPAPAKITA na ng Pilipinas sa international community ang kakayahan ng pamahalaan na protektahan ang karapatan ng bawat mamamayang Filipino. Nakatakda kasing dumating si United Nations Special Rapporteur (UNSR) on freedom of opinion and expression Irene Khan sa bansa, araw ng Martes, Enero 23. Pangungunahan ni Undersecretary Ernesto Torres Jr., executive director […]