• February 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Reso hinggil sa vote buying

NAGLABAS  ng resolusyon ang Commission on Elections (Comelec) na nagpapahintulot sa mga law enforement na arestuhin ang mga vote buyers  at sellers na walang warrant kapag sila ay naaktuhan.

 

Ang Resolution No.11104 ay magpapalawak ng awtorodad ng Committee on Kontra-Bigay ng poll body na subaybayan ang pagbili at pagbebenta ng boto sa Eleksyon 2025.

 

Ang resolusyon ay nagpapahintulot sa isang tagapagpatupad ng batas na gumawa ng walang warrant na pag-aresto kung siya ay nakasaksi ng isang pagtatangkang gumawa o nagawa na  mga pagkakasala sa halalan.

 

“Any law enforcement officer may, without a warrant, arrest a person when, in his or her presence, the person to be arrested has committed, is actually committing, or is attempting to commit the election offense of vote-buying and vote-selling or act constituting ASR (abuse of state resources),”ayon sa resulusyon.

 

Samantala, ang materyales na ginamit sa vote buying o selling ay sasailalim sa kustodiya ng pulisya.

 

Sa kabilang banda, nakapag-imprenta na ng siyam na milyong balota ang poll body sa loob ng isang linggo.

 

Ayon ka Comelec Chairman George garcia, sa 500 na makina para sa machine verification ay 250 pa lamang ang nagagamit  kaya plano ring gamitin ang 250 pa na makina mula ngayong araw.

 

Isinasaalang-alang din ng Comelec  na kumuha ng mas malaking espasyo sa punong-tanggapan ng National Irrigation Administration at sa Amoranto Sports Complex bilang venue para sa verification ng mga balota.

 

Dagdag pa, hiniling ng poll body kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtalaga ng mga bagong komisyoner batay sa kasalukuyang listahan ng mga opisyal sa Comelec kasunod ng pagreretiro nina Commissioners Soccorro Inting at Marlon Casquejo. (Gene Adsuara)

Other News
  • Uniform travel protocols para sa lahat ng LGUs, inaprubahan ng IATF

    INAPRUBAHAN kahapon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Uniform travel protocols para sa lahat ng Local Government Units (LGUs).   Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang siyang gumawa ng uniform travel protocols “for land, air and sea” sa pakikipag-ugnayan sa Union of Local Authorities of the Philippines, League of Provinces of […]

  • Paglikha ng aftercare program para sa mga Covid-19 survivor, iminumungkahi ni Sec. Roque sa IATF

    NAKAHANDA si Presidential Spokesperson Harry Roque na imungkahi sa susunod na Inter-Agency Task Force (IATF) meeting ang pagkakaroon ng aftercare program para sa mga Covid-19 survivors na nakararanas pa rin ng depression makaraang gumaling sa mapanganib na sakit.   Aniya, wala pa siyang alam na may aftercare program ang gobyerno para sa mga biktimang gumaling […]

  • 2 holdaper ng taxi, timbog sa Caloocan

    SHOOT sa kulungan ang dalawang holdaper na bumiktima sa isang taxi driver matapos masakote ng pulisya sa ikinasang follow-up operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Sa salaysay ng 47-anyos na taxi driver sa mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Edcille Canals, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang maisakay niya ang mga suspek sa […]