Resolusyong maglabas ng P10-K ayuda sa nasalanta ng bagyo lusot sa House committee
- Published on April 28, 2021
- by @peoplesbalita
Lusot na sa isang komite ng Kamara de Representantes ang resolusyong nais magpabilis sa pagbibigay ng libu-libong ayuda para sa mga nasalanta ng mga nakaraang sakuna.
Lunes nang iulat ng Gabriela Women’s Party na pasado na sa House committee on social services ang House Resolution 1402, bagay na nananawagang pabilisin ang P10,000 cash assistance sa mga tinamaan ng bagyong “Ulysses” at “Rolly” nitong 2020.
Lusot na sa isang komite ng Kamara de Representantes ang resolusyong nais magpabilis sa pagbibigay ng libu-libong ayuda para sa mga nasalanta ng mga nakaraang sakuna.
Lunes nang iulat ng Gabriela Women’s Party na pasado na sa House committee on social services ang House Resolution 1402, bagay na nananawagang pabilisin ang P10,000 cash assistance sa mga tinamaan ng bagyong “Ulysses” at “Rolly” nitong 2020.
Ang nasabing resolusyon — na iba ang bisa sa isang panukalang batas — ay ibinalangkas nina Gabriela Rep. Arlene Brosas, Bayan Muna Reps. Carlos Isagani Zarate, Ferdinand Gaite, Eufemia Cullamat, Kabataan Rep. Sarah Jane Elago at ACT Teachers Rep. France Castro nitong Disyembre.
Merong P13.7 bilyong “hindi nagastos” na pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa “Assistance to Individuals in crisisa Situation” (AICS) program na maaari raw ipamahagi ng gobyerno sa mga nasalanta ng Typhoon Rolly at Ulysses, ayon sa six-member Makabayan bloc sa Kamara.
-
Ipalalabas in time sa Chinese New Year: KIMSON, bida sa international film na ‘King of Hawkers’
INTERNATIONAL star na ang GMA male artist na si Kimson Tan, bida siya foreign film na ‘King of Hawkers’. “I auditioned, with the help of Ms. Joy Marcelo, Ms. Gigi Lana Santiago,” kuwento sa amin ni Kimson. Ang ‘King of Hawkers’ ay produced ng international production na Kelvin Sng Productions. Pagpapatuloy pang […]
-
Pamahalaan, ipag-uutos na ipasara ang simbahang Katoliko
KAAGAD na ipag-uutos ng pamahalaan ang pagpapasara sa mga Simbahang Katoliko na tututol sa naging direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF) na nagbabawal sa religious gathering sa panahon ng National Capital Region (NCR) Plus bubble mula Marso 22 hanggang Abril 4 sa gitna ng COVID-19 pandemic. Ito ang naging tugon ni Presidential Spokesperson Harry […]
-
4 drug suspects timbog sa halos P1M droga sa Caloocan
KALABOSO ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng halos P1 milyong halaga ng droga nang maaresto sa magkahiwalay na drug operation sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nagsagawa ng beripikasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) matapos ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y […]