Retiradong sundalo, 1 pa, huli sa pagbebenta ng shabu sa Valenzuela
- Published on October 12, 2021
- by @peoplesbalita
DALAWANG hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang isang retiradong sundalo ang natimbog sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na sina Arnel Bataller alyas “Sundalo”, 46, retired Philippine Army at Joel Casuple alyas “Belok”, 42 ng Modesto St, Brgy. Mapulang Lupa.
Sa report ni SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong ala-1:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy bust operation sa inuupahang bahay ni Bataller sa No. 3072 Apartment Building, Unit C2, JB Juan St. Brgy. Ugong.
Nagpanggap na buyer si PCpl Maverick Jake Perez kung saan nagawa nitong makipagtransaksyon sa mga suspek ng P500 halaga ng droga.
Matapos matanggap ang pre-arranged signal mula kay PCpl Perez na hudyat na nakabili na siya ng droga ay agad lumapit ang back-up na sina PCpl Isagani Manait at PCpl Robbie Vasquez saka inaresto ang mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 12 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P81,600, buy-bust money, P750 cash, 2 cellphones at 2 coin purse.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Ads November 14, 2020
-
PTFOMS, tinukoy ang 100% media violence resolution sa ilalim ni PBBM
BINIGYANG -DIIN ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na mayroong itong malakas at maaasahan na partnership sa mga makabuluhang ahensiya ng pamahalaan na may atas na i-promote at protektahan ang buhay, kalayaan at seguridad ng mga miyembro ng mga mamamahayag. Tinukoy ang 100% na case resolution ng karahasan laban sa mga […]
-
Kumalat na pagtakbo ni KRIS next year bilang Pangulo, isang malaking ‘fake news’
DAHIL sa pagkamatay ni former President Noynoy Aquino, kumalat sa social media ang balita na tatakbo raw na presidente si Kris Aquino next year. Siyempre fake news iyan. Noon pa man ay sinabi na ni Kris na wala siyang balak pumasok sa politics. If we know Kris, hindi siya tatakbo dahil […]