Revilla sa NCSC: Centenarian Law sa Seniors, ipatupad!
- Published on January 24, 2025
- by Peoples Balita

Kilala bilang Senior Citizens Welfare champion, sinabi ni Senator Bong na dapat kumilos na ang NCSC ngayong New Year upang hindi mapagbuntunan ng galit ng mga lolo at lola na matagal nang naghihintaysa mga benepisyo ng inamyendahang batas na pinirmahan noong Marso 2024.
“Huwag magkakamali ang NCSC na hindi ito agarang ipatupad. Hindi naman nila siguro idi-disappoint ang ating mga lolo at lola na inaabangan na ito since last March,” ayon kay Revilla.
“Sigurado naman akong ayaw nilang harapin ang galit ng ating mga nakakatanda,” dagdag nito.
Tinaguriang “Revilla Law”, ang Expanded Centenarians Act ay magbibigay ng P10,000 cash gifts sa mga senior citizens tuwing aabot sa mga edad na 80, 85, 90 at 95-anyos, samantalang ang mga centenarians o ang mga aabot 100 taong gulang ay patuloy na makakatanggap ng one-time cash gift na P100, 000.
“Sinigurado natin na mapondohan
iyan sa General Appropriations Act (GAA) o 2025 National Budget. Nakipag-ugnayan tayo sa DBM para garantisado ang pondo. Now it’s in the NCSC hands to fully implement it and ensure that no lolo and lola will be left behind,” paliwanag ng mambabatas.
“Wala silang dahilan para hindi ito maipatupad. There are almost 200,000 senior citizens who stand to benefit under the law. We thus call on the NCSC to fulfill their obligations in ensuring that payouts are already ready and rolled out starting January 2025. They have already been given enough time and funding,” pagtatapos ng senador.
Other News
-
Jimuel Pacquiao ‘wagi sa pinakabagong amateur fight sa California
NAGTALA nang panibagong panalo ang anak ni dating Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao matapos na talunin via decision si Dylan Merriken sa laban na ginanap sa Quiet Cannon Conference and Event Center sa Montebello, California nitong araw ng Biyernes. Ang panalo ng 21-anyos na si Pacquiao sa three-round bout ay bilang […]
-
Ads September 21, 2024
-
COVID-19 emergency loan program, muling binuksan ng GSIS sa mga members
BINUKSAN ngayong araw ng Government Service Insurance System (GSIS) ang COVID-19 Emergency Loan program para sa mga miyembro at mga pensioners. Ayon sa GSIS ang loan program ay hanggang Dec. 27 ng taong kasalukuyan. Ang muling pagbubukas ng GSIS ng pautang ay matapos na pirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1021 […]