Reyna at Konsorte ng 5oth Grand Santacruzan sa Libid, Binangonan, Rizal, ipinakilala sa press
TAONG 2019, nang magsimula ang patimpalak ng Reyna at Konsorte ng Santacruzan, isang makulay at bagong ideya na nagmula sa tagapamahala ng Brgy. Libid Grand Santacruzan mula pa noong 1975 sa pamumuno ni Mr. Gomer Celestial.
Bakit nga ba Reyna at Konsorte ng Santacruzan ang naging titulo? Maaari namang Mr. and Miss Libid o Ginoo at Binibining Libid? Ngunit natatangi ang sagala o Santacruzan ng Brgy. Libid sa buong bayan ng Binangonan. Ika nga nila ” Barangay Libid is the home of the Grand Santacruzan of Binangonan “. Kaya minabuting gamitin ang titulong Reyna at Konsorte ng Santacruzan upang ito ay mamukod- tangi sa mga patimpalak ng mga karatig barangay. Walang question and answer portion, bagkus ipapamalas lamang nila ang angking kagandahan at kaguwapuhan kasabay ng matatamis na ngiti sa kanilang paglilibot sa araw ng Santacruzan. Irarampa nila ang mga naggagandahang Filipiniana gowns at barong na gawa ng mga kilalang local designers na pawang mga taga- Binangonan . At higit sa lahat, ipagmamalaki nila ang kanilang pangalan at pinagmulan.
Ngayong 2025, ang ika – 50th anniversary ng Grand Santacruzan sa Libid bilang pagdiriwang at pagbibigay parangal sa Mahal na Krus.
Pinangunahan ni Punong Barangay Gil “AGA” Anore, kasama ang Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Barangay Libid, ang ang pag-oorganisa ng naturang event para matiyak ang isang makulay at matagumpay na selebrasyon.
Ang Meet the Press ay ginanap, Linggo Abril 13 sa Cafe de Lawa restaurant, Mahabang Parang, Binangonan Rizal na pagmamay-ari ni Mr. Ivan Sta. Ana na isa rin sa major sponsors ng naturang pagdiriwang. Ipineresenta sa press ang 16 na pares ng mga Reyna at Konsorte ng Santacruzan . Punong abala rin doon ang founder ng Pista ng Cruz Santacruzan na si Gomer Celestial at Direk Bobbit Patag. Ang Switch Fiber ay isa rin sa sponsor ng Santacruzan.
All out din ang suporta at present sa Meet The Press ng Santacruzan delegates ang tumatakbong Mayora ng Binangonan na si Ms. RHEA YNARES.
Higit 16 na pares ang rumampa at nagpakilala sa press. Lahat ay magaganda at guwapo. At para sa taong ito pangungunahan ng GMA Sparkle Artist and rising actress Faith Da Silva ang pagiging Mayflower Queen sa Grand Santacruzan. Makakasama rin ni ‘Sang’gre: Encantadia Chronicles’ star ang fellow Sparke Artist na si Bryce Eusebio. Rarampa rin sa buong Libid ang Reyna Elena na si Khloe Zolenn Gabrielle Anore, Haring Konstantino Calum Izaak Aparato at nta Elena Rose Camille Opiniano.
Layunin din ng selebrasyong ito ang maipakilala ang mayaman at makulay na kultura tradisyon at turismo ng Barangay Libid at Bayan ng Binangonan Rizal. Kabilang na dito ang Kubol (Isang istraktura na arko na may Krus na gawa sa adobe kung saan ginagawa ang Lutrina (pabasa) isang tradisyon ng mga Katoliko na umaawit ng papuri para sa Mahal na Krus . Ang Kalbaryo naman ay isang lugar o burol sa Brgy. Libid kung saan dati ay may nakatayong Krus na gawa sa kahoy ngunit nasira noong tamaan ng kidlat dati. Sa kasalukuyan ay may nakatayong mataas na bakal na Krus doon na dinarayo ng mga mananampalataya lalo na tuwing Mahal na Araw at higit sa lahat ang simbahan ng Santa Ursula na idineklara noong Marso 2, 2025 bilang National Cultural Treasure. (MRAntazo)


Kap Aga Anore

The Press with Ms. Rhea Ynares who’s running as Mayor of Binangonan