• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RHEN, determinadong sumikat at aminadong nakararamdam ng anxiety dahil sa kanyang career

DETERMINADONG sumikat si Rhen Escano kaya naman bawat opportunity na dumarating sa kanya bilang artista ay gina-grab niya.

 

 

Pero aminado naman si Rhen na kung minsan ay nakararamdam din siya ng anxiety sa kanyang career.

 

 

Pero ito raw ang ginagamit niya na motivation to go on with her career.

 

 

“Ginagawa ko ang lahat kasi gusto kong maging successful bilang artista. Gusto kong sumikat kaya willing ako pagdaanan kahit na anong challenges, matupad ko lang ang dream ko,” sabi ni Rhen.

 

 

Si Rhen ang bida sa bagong Viva movie ni Direk Yam Laranas titled Paraluman. Katambal niya rito ang 90s idol na si Jao Mapa.

 

 

May-December affair ang kwento ng Paraluman at bumagay naman daw sina Rhen at Jao sa kanilang respective roles, ayon sa kanilang director.

 

 

***

 

 

BALIK-SHOWBIZ si Jolo Estrada, ang ikalawa sa apat na mga anak nina Jinggoy Estrada at Precy Ejercito.

 

 

Kasali siya sa cast ng Moonlight Butterfly ng 3:16 Media Network where he plays the brother of Christine Bermas who is being launched as a star sa pelikulang ididirek ni Joel Lamangan.

 

 

Si Jolo ay lumabas sa Ang Tatay Kong Sexy kung saan bida ang kanyang ama.

 

 

Mina-manage siya ni Leo Dominguez at umaasa ang binata na malaki ang maitutulong sa kanya ng kanyang manager to be successful sa showbiz.

 

 

Naniniwala si Leo sa potential ni Jolo as a leading kaya hindi siya tumigil until napapayag niya na muli itong mag-artista.

 

 

Inalok ng role si Jolo ng role ng 3:16 Media Network. Maging ang bagong production film ay naging interesado sa binata.

 

 

Pumasa rin siya sa taste ni Direk Joel kaya pasok siya sa pelikula na ang script ay isinulat ni Eric Ramos.

 

 

***

 

 

KASAMA sa listahan ng most popular books sa isang sikat na bookstore ang life story ni Manila Mayor Isko Moreno.

 

 

Ngayon lang namin nalaman na documented na pala via a book ang buhay ni Yorme.

 

 

Ang akala namin ay ‘yung pelikula lang ang documentation ng buhay ng dating That’s Entertainment mainstay na ngayon ay isa sa most admired mayors sa bansa.

 

 

Bagamat natapos na ang shoot ng pelikula sa buhay ni Yorme, wala pa itong playdate.

 

 

Mukhang hinihintay ng mga producers na magbukas muna ang sinehan kaya for now ay on hold ang release ng life story ni Mayor Isko.

 

 

Siyempre mas maganda kung mas marami ang makakapanood ng movie that stars McCoy de Leon as the Isko Moreno at si Xian Lim bilang Yorme, the politician.

 

 

Marami ang nag-aabang sa magiging announcement ni Mayor Isko regarding his political plans for next year. May grupo na kasi na kumakausap sa kanya na tumakbo siyang president.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • COPPER MASK WALA SA LISTAHAN NG FDA

    NAG-ALALA  ang Department of Health (DOH) sa publiko  kaugnay sa paggamit ng face mask sa gitna ng Covid-19 pandemic. Ayon sa DOH, may ilang uri ng face mask na hindi kasama sa listahan ng Food and Drug Administration o FDA bilang notified face masks. Kabilang umano na  wala sa listahan ng FDA ang isnag brand […]

  • ARTA award, nasungkit ng Navotas at Valenzuela

    NASUNGKIT ng Navotas at Valenzuela Cities ang Accelerating Reforms for Improved Service Efficiency (ARISE) Award mula sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) para sa kanilang good governance at exemplary service.     Tinanggap ni Navotas Mayor John Rey Tiangco, kasama si Vice Mayor Tito Sanchez, at Valenzuela Mayor Wes Gtachalian, kasama si Business Permits and Licensing […]

  • 4 todas sa sunog sa printing office sa Valenzuela

    NASAWI ang apat manggagawang kalalakihan sa isang printing office matapos sumiklab ang sunog sa kanilang tanggapan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Hindi muna pinangalanan ni Valenzuela Fire Marshal Supt. Ana Mae Legaspi ang apat na nasawing trabahador na na-trap makaraang sumiklab ang sunog sa pinaglilingkurang Printing Press sa 2067 Lamesa St. Brgy. […]