• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rianne Malixi apektado ang pagpalo sa sobrang lamig

BINABAGABAG ng malamig na klima, nagkasya si Rianne Mikhaela Malixi sa 78 para maiwan ng nine-stroke ni Vanessa Zhang ng Canada makaraan ang 18 butas ng Citrus Golf Trail Ladies Invitational nitong Martes (Miyerkoles sa ‘Pinas) sa Sun ‘N Lake course sa Sebring, Florida.

 

 

May isang birdie lang ang Pinay golfer na kinakalinga ng ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) laban sa limang bogey at double bogey sa pangangapa sa mahirap na course upang malagak sa pang-40 sa 96 na kalahok na may six-over 6 41 sa backside.

 

 

“She didn’t play well – jetlag, weather and non-familiarity (with the course) affected her game,” suma ng ama ni Malixi na si Roy. “She played while her body and mind clock were on sleep mode. I hope she would adjust and acclimatize in the second round.”

 

 

Sasabak pa ang kakatanghal na Thai Junior World champion at wagi ng dalawang titulo sa AJGA (American Junior Golf Association) ngayong taon sa Orlando International Amateur sa Jan. 4-6 sa Orange Country National at sa Annika Invitational sa Jan. 15-17 sa Eagle Creek Golf Club,pareho ring sa Florida. (CARD)

Other News
  • US magbubuhos pa ng $500-M na direct budgetary aid sa Ukraine – Pres. Biden

    MAGBIBIGAY ng dagdag na direct budgetary aid sa Ukraine ang Estados Unidos na nagkakahalaga ng $500 million.     Ipinahayag ito ng White House matapos ang naging pag-uusap nina US President Joe Biden at Ukrainian President Volodymyr Zelensky via phone call upang pag-usapan pa rin ang patuloy na pagsuporta ng Amerika sa Ukraine laban sa […]

  • PBBM iniutos ang pagpapalakas ng kakayahan ng PAF sa pagprotekta sa teritoryo ng PH

    NAGBIGAY ng guidance si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Air Force (PAF) para sa pagpapatatag pa ng kakayahan ng mga ito, sa pag-depensa ng soberanya, teritoryo, at patuloy na pag-unlad ng Pilipinas.     Ito ang inihayag ni Communications Secretary Cheloy Velicaria- Garafil na ilan lamang sa mga natalakay sa command conference na pinangunahan […]

  • Wage hike sa 14 rehiyon ipatutupad ngayong Hunyo — DOLE

    INANUNSYO  ng Department of Labor and Employment (DOLE) na 14 mula sa 17 rehiyon sa bansa ang inaasahang tatanggap na ng “wage increase” bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.     Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello kahapon, ang wage orders na inisyu ng 14 Regional Tripartite Wages and Productivity (RTWPBs) ay epek­tibo […]