RICHARD, may pahabol na bonggang birthday gift sa asawa; netizens napa-’SARAH All’
- Published on October 26, 2021
- by @peoplesbalita
WALANG kupas talaga ang init ng pagmamahalan sa pagitan ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.
Mukhang habang nasa lock-in taping pa si Richard ng Ang Probinsyano ay nagawa pa rin nitong supresahin ang kanyang isis na si Sarah. Nag-celebrate na silang dalawa ng birthday ni Sarah, pero may pahabol pa palang birthday gift si Richard, isang “Jeep” na pang-harabas ang gift ni Richard.
Sey ni Sarah sa kanyang post, “I’m not one to ask for material things (doesn’t mean I don’t enjoy them). I enjoy working hard for what I want.
“@richardgutz I’m speechless.
“Besides being the best dada to Zion and Kai, you make me feel like a queen even when I least expect it. I’m grateful to you for a lot of things, for this insane surprise but mostly for your unconditional love, through ups and downs. I Love you.”
Si Richard naman, tila miss na miss na talaga si Sarah na sa IG post niya, may caption ito na, “Can’t wait to be home to my wife.”
Kaya tuloy ang comment ng mga netizens na sa halip na ‘sana all’ ay napa-“Sarah All!”
***
NAKIKIRAMAY kami sa actress na si Gladys Reyes at sa buo niyang pamilya dahil sa pagpanaw ng kanilang mahal na ama, umaga ng October 25.
Ka-chat pa namin si Gladys dahil tinanong namin ito kung okay lang ba siya dahil sa kanyang Facebook post na “Thy will be done.” At saka niya sinabing, “anytime na si Papa, ate.”
Nagulat kami dahil sa kabila ng nangyari rito ngayong may pandemic kunsaan, nag-undergo rin ito ng heart procedure at si Gladys pa ang nagbantay at alam namin ay naging maayos naman ang kalagayan after at naka-recover, pero ‘yun nga, bigla na lang ang balita na wala na ito.
Sabi lang ni Gladys sa palitan namin ng chat, “pagod na siya.”
Tila naihanda na rin siguro si Gladys at ang pamilya niya dahil sabi nga niya, na kay Lord na ang lahat.
Sa isang banda, very close sina Gladys at kapatid niya, mga anak sa kanilang mga magulang. At inseparable rin ang parents niya. Kaya isang yakap na mahigpit sa kanilang lahat sa pinagdadaanan nila ngayon.
***
SAKTO naman pala na nasa America pa rin sina Vice Ganda at ang kanyang boyfriend na si Ion Perez.
Kahit tapos na ang naging successful live concert nito at sa kabila ng ang dami na ngang nakaka-miss sa kanya sa It’s Showtime at sinasabing hindi talaga buo o masaya ang show kapag wala siya, after almost two years nga namang hindi nakapag-travel because of pandemic, understandable lang na mag-enjoy pa ito sa U.S. kasama ang boyfriend.
At bonus na nga or tinapat talaga nila na nasa U.S. pa rin na ika-3rd anniversary nila.
Tiyak na mapapa- “sana all” na lang talaga na isa silang Vice Ganda kahit ano pa ang seksuwalidad dahil sa kabonggahan ng lovelife ni Vice.
Caption nga niya sa picture nil ani Ion na “babaeng-babae” si Vice, “3 years of not giving a fuck about other people’s thoughts and judgments. 3 years of just being unapologetically in love and happy. I love you Noy! And I love winning in love with you!”
Nag-reply si Ion sa post na ito ni Vice na, “@praybeytbenjamin happy 4 ever tuy! Love you!”
(ROSE GARCIA)
-
Pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil sa evacuation centers
Posibleng dahil sa mga evacuation centers kaya bahagyang tumaas ang kaso ng may COVID-19, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III. Binanggit ni Duque ang nagdaang dalawang malakas na bagyo na naging dahilan para mapuno ang mga evacuation centers. “Well, tama po kayo, iyong pagtaas ay puwedeng ma-attribute natin iyan o ang kadahilanan […]
-
Bilang ng mga mambabatas na lumagda sa impeachment vs VP Sara pumalo na sa 239
NADAGDAGAN pa ang mga kongresista na lumagda sa ika-apat na impeachment complaint laban kay Vice Pres. Sara Duterte. Ito ang sinabi nina House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong, at Rep. Rodge Gutierrez, na isa sa mga miyembro ng House Prosecution Team. Sinabi ng mga mambabatas na may mga kasamahan sila na gusto pang humabol para […]
-
Vaccine rollout sa Quezon City, umarangkada na rin
Sinimulan na rin ang pagbabakuna sa mga health workers sa Quezon City General Hospital, ang isa sa QC run hospital na tumanggap ng 300 doses ng Sinovac vaccines mula sa pamahalaan. Pinangunahan ni QC mayor Joy Belmonte ang pagbabakuna sa may 300 healthcare workers na lumagda sa programa. Ang mga healthcare workers lamang […]