RIDER ARESTADO SA SHABU SA VALENZUELA
- Published on August 12, 2021
- by @peoplesbalita
BAGSAK sa kulungan ang isang rider matapos makuhanan ng shabu makaraang masita ng mga pulis sa quarantine control point dahil walang suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 11 under Article II of RA 9165 at Art. 151 of RPC ang suspek na kinilalang si John Nino Bautista, 41 ng 6 Valeriano St. Brgy. Balangkas.
Sa report ni PCpl Glenn De Chavez, may hawak ng kaso kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, habang ipinapatupad ni PSMs Roberto Santillan ang Enhance Community Quarantine sa quarantine control point sa Kabesang Imo, corner Macopa St. Balangkas, dakong alas-9:30 ng gabi nang parahin niya ang suspek dahil walang suot na helmet at hindi tama ang pagsuot ng face mask habang sakay ng isang motorsiklo.
Nang hanapan ni PSMs Santillan ng quarantine pass o kahit anung dokumento na nagpapahintulot sa kanya na maari siyang lumabas ng bahay ay walang naipakita ang suspek at sa halip ay tinangka nitong tumakas.
Gayunman, agad siyang nahawakan ni PSMs Santillan saka inaresto at nang kapkapan ay narekober sa suspek ang apat na plastic sachets na naglalaman ng humigi’t-kumulang sa 1 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P6,800, at cellphone. (Richard Mesa)
-
Valenzuela police at mga mamamahayag sa CAMANAVA, nagsagawa ng dayalogo
PINANGUNAHAN ni P/Col. Salvador S. Destura Jr, Officer-In-Charge ng Valenzuela City Police Station ang isinagawang dayalogo sa pagitan ng Valenzuela police at mga mamamahayag na komokober sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) upang mapag-usapan at malaman nila kung may banta ba sa kanilang mga buhay o panganib dahil sa kanilang ginagampanang trabaho bilang mga mamamahayag. Kaugnay […]
-
GAB iimbestigahan ang Casimero isyu
PINAIIMBESTIGAHAN na ng Games and Amusements Board (GAB) ang kasalukuyang sitwasyon ni World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero matapos itong patawan ng parusa ng British Boxing Board of Control (BBBC). Matapos malaman ang balita, agad na ipinag-utos ni GAB chairman Baham Mitra na simulan ang independent investigation upang makita kung […]
-
DINGDONG, habambuhay nang nakaukit sa pagkatao ang pagiging Kapuso; MARIAN, teary-eyed habang inaalala ang journey niya
PAREHONG naglabas ng video ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang pagpapatunay na sila ay “Proud to be Kapuso.” Parehong mga nagsimula sa kanilang showbiz career bilang mga Kapuso talaga. Si Dingdong ay 25 years na habang si Marian naman ay almost 20 years na. Halos mahigit sa kalahati na […]