RIDER, PATAY SA CLOSED VAN
- Published on May 11, 2023
- by @peoplesbalita
PATAY ang isang rider nang banggain ang kanyang minamanehong motorsiklo ng isang closed van, subalit imbes na tulungan ang driver nito ay pinaharurot papalayo sa harapan ng St Jude Church sa Tondo, Manila Martes ng umaga
Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Christian Darren Isla y Del Mundo, 25, isang Field Marshall ng 2671 Int 4 J Luna St.Gagalangin Tondo,Manila dahil sa tinamong sugat sa katawan.
Inaalam naman ang driver sa isang closed van na mabilis na pinaharurot ang kanyang sasakyan papalayo.
Sa ulat ni PCpl Allanion DC Aquino ng Manila Police District (MPD) dakong alas-5:10 kahapon ng umaga nang naganap ang insidente sa harapan ng St Jude Church sa Velasquez St sa Southbound lane, Tondo, Manila kung saan minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong Honda Click habang binabagtas ang Southbound lane ng Velasquez St, Tondo Manila pero pagsapit sa harapan ng St Jude Church nang nasagi ng kalawang bahagi ng closed van ang kanang bahagi ng kanyang motorsiklo na binabagtas ang parehong direksyon.
Dahil sa pangyayari, nalaglag sa semento ang biktima mula sa kanyang motorsiklong na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.
Gayunman, imbes na tulungan ng driver ng closed van ang biktima, pinaharurot nito papalayo ang kanyang sasakyan. GENE ADSUARA
-
Pagtalakay sa panukalang amyenda ng RTL sisimulan ng House plenary
SISIMULAN na sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong linggo ang panukalang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law na naglalayong maibaba ang presyo ng bigas. Tiniyak din ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang masusi at mabilis na pagtalakay ng Kamara upang mapagtibay ang panukala sa ikalawang pagbasa sa Miyekules. Ayon […]
-
PBBM, FL Liza nag-host ng casual dinner sa mga senador at asawa ng mga ito
ISANG CASUAL DINNER ang inihanda ng First Couple na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Louise ”Liza” Araneta-Marcos sa mga senador at asawa ng mga ito sa Bahay Pangulo, Martes ng gabi matapos ang pagbabagong bihis sa liderato ng Senado. Sa katunayan nag-post ang Unang Ginang ng larawan sa Instagram […]
-
Pag-revise sa 2022 economic growth targets sa gitna ng expanded Alert Level 3, masyado pang maaga- NEDA
MASYADO pang maaga para baguhin ng economic managers ang growth targets para sa 2022 sa gitna ng pinalawig na Alert Level 3 sa Kalakhang Maynila at 50 iba pang lugar hanggang katapusan ng Enero. “With respect to the target for the year, it’s still early days to be revising it whether upwards or […]