• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rider timbog sa baril-barilan at shabu sa Valenzuela

Kulong ang isang 44-anyos na rider matapos makuhanan ng baril-barilan at shabu makaraang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Airsoft pistol/ illegal possesion of firearm), paglabag sa RA 9165 at Art 151 of RPC (Disobedience) ang suspek na kinilalang si Ramil Turba, 44, ng No. 32 Coleta St. Azicate Homes, Brgy. Gen T. De Leon.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PEMS Restie Mables kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 11:30 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita sa kahabaan ng T. Conception St. Brgy. Marulas ang mga tauhan ng Sub-Station 3 sa pangunguna ni PSSg Jayson Enrile, kasama sina PCpl Alim Macud, PCpl Reynold Panao at PSSg Salvador Estaris sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Anthony Pinol Campado nang makita nila si Turba na nagmamaneho ng isang Honda Click motorcycle.

 

 

Nang parahin ni PCpl Macud ay hindi huminto ang suspek at sa halip ay tinangka nitong tumakas na naging dahilan upang agad itong harangin ni PSSg Enrile saka inaresto.

 

 

Nakita naman ni PCpl Panao na nakasukbit sa baywang ni Turba ang isang kulay silver na airsoft pistol (replica ng 45 caliber) kaya’t kinumpiska niya ito at nang kapkapan ay nakuha pa sa suspek ang isang aluminum tube na may kasamang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P680 ang halaga at drug paraphernalia. (Richard Mesa)

Other News
  • Bukod sa ‘di matatawaran ang pagtulong sa mga OFWs: ARNELL, naglunsad ng health and wellness campaign para sa OWWA employees

    GRABE at hindi talaga matatawaran ang dedikasyon at concern ng Executive Director Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na si Arnell Ignacio sa mga Overseas Filipino Workers (OFW), na kapag nagkakaroon ng problema at agad siyang gumagawa ng solusyon, katulad na lang ng bagong kaso ng isa nating kababayan sa Kuwait na patuloy nilang […]

  • Bagong testing and quarantine protocols ipaiiral simula Feb. 1 – IATF

    Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga bagong testing at quarantine protocols epektibo simula Pebrero 1 para sa mga papayagang makapasok ng bansa.     Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, lahat ng mga pasahero mula sa ibang bansa ay obligado ng sasailalim sa facility-based quarantine pagdating ng Pilipinas.     Ayon kay […]

  • LIMA KATAO INARESTO SA ABORTION

    LIMANG katao ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pag-oopera sa isang abortion clinic sa Cebu City.     Kinilala ang mga naaresto ni NBI  OIC – Director Eric B. Distor na sina Joey Paulino Guirigay ; Francisca Abatayo Rebamonte; Gloria Dalogdog Gabuti; Meryteissie Pode Rural at Amparo Lumagbas […]