• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rider todas, angkas kritikal sa hit and run ng trailer truck

NASAWI ang isang rider habang nasa kritikal naman na kalagayan ang kanyang angkas matapos ma hit and run ng isang trailer truck sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Cristopher Endrac, 22, ridge sling man ng TBSCY Container Yard, at residente ng R-10 Sitio Puting Bato, North Bay Boulevard South.

 

 

Inoobserbahan naman sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Aldrin Dilao, 29, welder at residente ng Block-42, Lot-26, Purok-2, Bitungol Norzagaray Bulacan.

 

 

Sa report ni PCpl Dandy Sargento kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, binabagtas ng mga biktima sakay ng isang motorsiklo ang kahabaan ng North bound ng North Bay Boulevard, Brgy. NBBS Proper, dakong alas-2:20 ng madaling araw.

 

 

Pagsapit sa intersection ng C3 Road, Brgy. NBBS Proper nang mahagip ang mga biktima ng bahagi ng trailer ng tumatawid na trailer truck sa nasabing lugar.

 

 

Matapos ang insidente, hindi huminto ang driver ng trailer truck at iniwanan lamang ang mga biktima habang isinugod naman sa nasabing pagamutan si Dilao.

 

 

Patuloy naman ang isinasagawang backtracking ng pulisya sa mga CCTV para sa posibleng pagkakilanlan ng driver at plate number ng trailer truck na kulay asul ang tractor head na may karga na pulang container. (Richard Mesa)

Other News
  • NCR, lifted na ang general curfew simula November 4

    SIMULA Nobyembre 4 ay ‘lifted’ na ang general curfew sa National Capital Region (NCR).   Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos na may ilang local government units ang mananatiling ipatutupad ang curfew para sa mga menor de edad.   “Pumayag ang mga mayors na i-lift ang curfew this starting November 4 […]

  • DA, magkakaloob ng P5M pautang sa bawat meat vendor association ngayong panahon ng krisis

    NAKAHANDA ang Department of Agriculture na magkaloob ng P5 milyong pisong halaga ng loan para sa mga meat vendors association .   Sinabi ni DA Sec. William Dar, na layon nitong matulungan ang mga tindera ng baboy na magkaroon ng sapat na kapital ngayong panahon ng krisis.   Aniya, magsisilbing zero interest ang pautang na […]

  • Ilang mga players ng Raptors na-exposed sa may COVID-19

    Patuloy ang ginagawang paghihigpit ng NBA sa ipinapatupad nilang health and safety protocols para hindi na kumalat pa ang virus.     Pinakahuli ay ang pagkansela ng laro sa pagitan ng Toronto Raptors at Chicago Bulls.     Ito ay matapos na ang mismong coach ng Raptors na si Nick Nurse at forward Pascal Siakam […]