• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rider todas sa Ford ranger pick-up

ISANG 32-anyos na rider ang nasawi matapos sumalpok ang kanyang minamehong motorsiklo sa isang Ford Ranger pick-up sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Paul Michael Abalaza, ng 110B Capaz St. 10th Avenue, Brgy. 63 ng lungsod.

 

 

Kusang loob naman na sumuko sa pulisya ang driver ng Ford Ranger Pick-up na kinilalang si Dave Raniel Famero, 26, site engineer at residente ng 39 B3 L3 Servants of Charity Tandang Sora Quezon City.

 

 

Sa isinagawang imbestigasyon ni Caloocan traffic police investigator P/Cpl. Dino Supolmo, tinatahak ni Famero ang kahabaan ng B. Serrano Street patungong EDSA habang tinatahak naman ng biktima ang kahabaan ng 7th Avenue patungong Rizal Avenue Extension.

 

 

Pagdating sa Intersection ng 7th Avenue at B. Serrano, Brgy. 109 dakong 10:20 ng gabi ay aksidenteng bumangga ang minamanehong motorsiklo ng biktima sa kanang bahagi ng pick-up Ford Ranger na minamaneho naman ni Famero.

 

 

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima mula sa motorsiklo at bumagsak sa simentadong kalsada kaya’t agad itong isinugod sa naturang pagamutan subalit, hindi na ito umanbot ng buhay.

 

 

Iprinisinta naman si Famero sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads September 23, 2020

  • Checkpoint sa NCR plus borders inilarga na

    Inianunsiyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagsimula na kahapon ng istriktong pagpapatupad ng “NCR Plus travel bubble” kasabay ng pagtukoy kung sinu-sinong indibiduwal lamang ang papayagang makalusot o makadaan dito.     Ayon kay Interior Sec. Eduardo Año, nagtayo sila ng mga Qua­rantine Control Points (QCPs) na binabantayan ng mga […]

  • 100 staff ng PGH babakunahan ng Sinovac COVID-19 vaccine sa unang araw ng rollout nito

    Aabot sa 100 tauhan ng Philippine General Hospital ang nabakuhanan kontra COVID-19 gamit ang gawa ng Sinovac ng China.     Ayon kay PGH Director Dr. Gap Legaspi, 20 hanggang 50 doses lamang ang una nilang pinaghandaan para sa ceremonial rollout ng COVID-19 vaccination program.     Subalit nabago ito matapos sabihin sa kanya ni […]