Riding-in-tandem na tumakas sa Oplan Sita sa Valenzuela, buking sa boga
- Published on March 8, 2025
- by Peoples Balita
SA kulungan ang bagsak ng dalawang kelot, kabilang ang 19-anyos na estudyante nang mabisto ang dalang baril makaraang takbuhan ang mga pulis sa Oplan Sita habang sakay ng isang motorsiklo sa Valenzuela City.
Sa kanyang ulat kay NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nadakip ng kanyang mga tauhan ang 21-anyos na auto mechanic mula sa Bagong Barrio, Caloocan City, at 19-anyos na automotive student mula sa Brgy. Gen. T. De Leon.
Ani Col. Cayaban, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 2 sa harap ng Gen. T. De Leon National High School nang parahin nila ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo na walang plaka.
Sa halip na huminto, pinaharurot ng mga suspek ang kanilang motorsiklo at muntik pang masagasaan ang isa sa mga pulis kaya hinabol sila ng mga ito hanggang sa makorner sa isang dead-end na lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.
Nang kapkapan, nakuha sa estudyante ang isang caliber .9mm Pistol na kargado ng anim na bala sa magazine nito, habang ang motorsiklong gamit nila ay kinumpiska rin bilang bahagi ng imbestigasyon.
Iprinisinta na ang mga suspek sa inquest proceeding sa Valenzuela City Prosecutor’s Office kaugnay sa isinampang mga kaso laban sa kanila na paglabag sa Article 151 (Resistance and Disobedience to a Person in Authority) of the Revised Penal Code at RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) in relation to BP 881 (Omnibus Election Code. (Richard Mesa)
-
Hiling ni Fernandez kay Pacquiao…
Isa pang laban bago magretiro! Ito ang pananaw ni chief trainer Buboy Fernandez kung saan hangad nitong magkaroon ng engrandeng pagtatapos ang boxing career ni People’s Champion Manny Pacquiao. Nais ni Fernandez na makabawi si Pacquiao matapos ang masaklap na unanimous decision loss kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis […]
-
Naturukan na ng 2nd dose ng Sinopharm: Pangulong Duterte, fully vaccinated na-Sec. Roque
KINUMPIRMA ni Presidential spokesperson Harry Roque na natanggap na ngayon gabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang second dose ng Sinopharm. Nangyari aniya ito bago pa ang nakatakdang pulong ng Pangulo kasama ang ilang miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF). Si Health Secretary Francisco Duque III ang nagbakuna kay Pangulong Duterte. […]
-
Federer umatras na sa paglalaro sa Tokyo Olympics
Nagpasya si Swiss tennis star Roger Federer na huwag ng maglaro sa Tokyo Olympics. Sa kaniyang social media inanunsiyo ng 39-anyos na tennis player ang hindi na pagsali sa Olympics dahil sa kaniyang injury sa tuhod. Lumala kasi ang kaniyang injury sa katatapos lamang na Wimbledon. Labis itong nadismaya at nanghihinayang […]