Risk allowance ng 20K health workers mababayaran na
- Published on August 26, 2021
- by @peoplesbalita
Nangako si Health Secretary Francisco Duque III na mababayaran na ang P311 Special Risk Allowance ng 20,000 pang healthcare workers.
Sa kanyang pagharap sa pagdinig ng House Committee on Health, sinabi ni Duque na natukoy na ang nasabing mga healthcare workers at maibibigay na ang SRA ng mga ito ngayong araw.
Una nang nagbanta ang grupo ng mga healthcare workers na magsasagawa ng mass resignation kapag hindi nabayaran ang kanilang mga SRA at iba pang mga allowance sa gitna na rin ng sakripisyo sa pagsabak sa COVID-19.
Bunsod nito, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Duque at ang Department of Budget and Management (DBM) na bayaran ang SRA at iba pang mga allowance ng medical frontliners sa loob ng 10 araw.
Samantala, aabot sa P7M ang utang ng PhilHealth sa bawat miyembro ng Philippine Hospital Association o kabuuang P86 bilyon sa mga hindi nabayarang claims partikular na sa COVID patients.
Sinabi ni PHA President Dr. Jaime Almora na ang P86 bilyon ay ang kabuuang halaga na ginastos ng mga ospital sa kanilang pasyente pero walang reimbursement sa PhilHealth.
Ayon kay Almora, nasa P13.6 bilyon ang denied claims, nasa P13 bilyon hanggang P16 bilyon ang in-process claims, at P46 bilyon ang Return to Hospital (RTH) claims. (Daris Jose)
-
Wage hike sa 14 rehiyon ipatutupad ngayong Hunyo — DOLE
INANUNSYO ng Department of Labor and Employment (DOLE) na 14 mula sa 17 rehiyon sa bansa ang inaasahang tatanggap na ng “wage increase” bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello kahapon, ang wage orders na inisyu ng 14 Regional Tripartite Wages and Productivity (RTWPBs) ay epektibo […]
-
Warriors nakalusot ng isang puntos vs Grizzlies, 117-116
NAKALUSOT ang Golden state Warriors ng isang puntos laban sa Memphis Grizzlies, 117-116, para makuha din ang Game 1 sa hiwalay nilang game sa Western Conference NBA semifinals. Naging susi sa panalo ng Warriors ang ginawa ni Klay Thompson na go-ahead 3-pointer sa kabila na may 36 seconds na lamang ang nalalabi sa […]
-
Rice assistance sa MUPs, mapakikinabangan ng local farmers-PBBM
SINABI ng Department of Budget and Management (DBM) na ang rice assistance ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa military and uniformed personnel (MUP) ay hindi lamang makatutulong sa mga opisyal at pamilya nito kundi maging sa mga lokal na magsasaka. Sa isang kalatas, pinuri ng DBM ang Administrative Order (AO) No. 26 ni Pangulong […]