RITA, ‘di nagustuhan ang comment na ‘over acting’ at napag-iiwanan kaya natawag na ‘demonyo’ ang basher
- Published on February 8, 2021
- by @peoplesbalita
ISANG netizen na may IG account na @arte.basics ang nagsabing napag-iiwanan daw si Rita Avila pagdating sa aktingan ng mga co-stars niya na sina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado at Maricel Soriano.
Sinagot naman ito ni Rita nang, “oh I am sorry naman kung d ka naayusan sa acting ko.”
Nagpaliwanag naman ang nag-comment na fan daw siya ng serye at sobrang nakatutok daw sila sa online at napansin lang daw nila.
Sey ulit ni Rita, “Sorry to hear na ako ang napag iwanan sa acting. I have done my best but it didn’t pass your standards.”
Hindi naman nagustuhan ni Rita ang nag-comment na over acting siya. Kahit nagpaliwanag ang nag-comment na na-misunderstood lang daw siya ng actress.
“Insulto yan sa mga directors ng ASIAA at sa management na nag-approve ng performance ko. Hirap na hirap na kaming lahat sa trabaho and that is what you will say?”
At saka niya binalikan muli ang nag-comment na napag-iiwanan siya sa acting.
Aniya, “sa dami na ng na high blood, kinakabahan na nga ako. Parusa sa mga artistang kontrabida ang role. Pero kakaiba itong si @arte.basics, iba ang galit sa akin. Tinapakan ako. Minaliit. Well, I cannot please everybody. But to make 99% angry at Belen is already a triumph.”
Yun lang, hindi pa rito nagtapos. Nag-video pa si Rita kunsaan ay galit na galit siya dahil pati raw relasyon nilang mag-asawa ay sinisira na ng naturang netizen.
Hanggang sa ang tawag na ni Rita rito ay “demonyo.”
***
NAGDULOT ng kilig ang pinost na work-out video ni Matteo Gudicelli.
Hindi makikita sa video na pinost sa Instagram ni Matteo ang misis na si Sarah Geronimo, pero dinig na dinig ang boses nito.
Hindi boses na kumakanta si Sarah sa background. Pero, daig pa nito ang gym or workout coach ni Matteo sa pagpuna ng pagwu-workout ng asawa at nagde-demand pa kung wala raw bang push-up na gagawin si Matteo.
Sabi ni Sarah, “Nagmamadali ka naman kasi Love, e. Bakit walang push-up Love? Wala bang push-up ‘yan?”
Nang mag-push-up nga si Matteo, si Sarah pa ang nagbilang dito. Kaya hirit ni Matteo, “Ang strict ng trainor ko.”
Siyempre ang daming kinilig at sa caption nga ni Matteo sa kanyang IG video post, “Gentlemen, the best workout coach is your wife.” At saka nito sinundan ng emoji na 100.
***
PAREHONG nag-celebrate na ng pa-advance Valentine’s Day nila sa kanilang respective partners ang mga bida ng bagong serye ng GMA Public Affairs, ang Owe My Love na sina Lovi Poe at Benjamin Alves.
Si Benjamin, after raw ng first leg ng taping nila, nagpunta sila ng Boracay ng girlfriend na si Chelsea Robato. Si Lovi naman, lumipad pa ito papuntang Los Angeles para makasama ang boyfriend na si Montgomery Blencowe.
Matagal silang hindi nagkasama dahil sa lockdown, so obviously, sinulit na nilang lahat ang okasyon nang magkasama.
Naka-lock-in taping silang lahat ngayon hanggang March pa sa Owe My Love kaya sa mismong Valentine’s Day, virtual celebration na lang silang dalawa sa kanilang mga boyfriend/girlfriend.
Daig sila ni Ai Ai delas Alas dahil kasama niya ang mister na si Gerald Sibayan. Ang mister na rin niya ang nagsisilbing driver at nagluluto para sa kanila.
Sa February 15 sa GMA Telebabad na magsisimulang mapanood ang Owe My Love. (ROSE GARCIA)
-
MARK, nararanasan nang magpuyat dahil sa pag-aalaga kay BABY CORKY; excited na sa paglaki at makasamang magsayaw
NGAYON lang daw nararanasan ni Mark Herras na mapuyat dahil sa pag-alaga ng anak nila ni Nicole Donesa na si Baby Corky. Night shift nga raw ang hawak ni Mark sa pag-alaga sa baby niya. Buong araw daw kasi na si Nicole ang tumitingin kay Baby Corky, kaya pagdating ng gabi hanggang madaling […]
-
James Yap maglalaro uli para sa PBA
Nakatakdang bumalik si James Yap matapos pumirma ng one-conference deal sa Rain or Shine. Inanunsyo ng koponan ang pagpirma, idinagdag na ang Elasto Painters ay nais ng isang taong deal, ngunit pinili ni Yap na pumirma ng mas maikling deal. Si Yap ay isa ring concurrent councilor ng San Juan City. Sa kasunduan, […]
-
Pagkatalo ni 8-time World Champion Sen. MANNY, senyales na mag-retire na at umatras sa pagka-Pangulo
HINDI inaasahan nang marami ang pagkatalo ni Sen. Manny Pacquiao sa laban nila ni Yordeni Ugas via unanimous decision. Comment ng mga netizens, parang kulang na raw sa power ang suntok ni Manny. Hindi na rin daw masyadong mahusay ang ipinakita ni Manny sa laban. Kung nanalo si Manny, yun ang kanyang […]