• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rizal Memorial pansamantlang isasara dahil sa isasagawang decontamination

Pansamantalang isasara ang Rizal Memorial Sports Complex ngayong sa loob ng isang araw para sa isasagawang decontamination.

 

Sa isang panayam, sinabi ni ‘Hatid Tulong” initiative head Asec. Joseph Encabo, isasailalim sa lockdown simula alas-9:00 ng umaga ngayong Hulyo 30, 2020 ang buong complex.

 

Ito ay matapos na mamalagi doon sa mga nakalipas na linggo ang mahigit 6,500 locally stranded individuals (LSIs).

 

Sinabi ni Encabo na pansamantalang pinalisan din muna nila ang iba pang mga taong nagtatrabaho sa loob at palibot ng sports complex kabilang na ang mga empleyado ng Philippine Sports Commission at Manila Department of Public Services.

 

Sa ngayon, sinabi ni Encabo na wala nang LSIs sa mga stadiums ng complex matapos na makasakay sa barko papuntang Zamboanga Peninsula ang last batch ng 1,017 stranded passengers.

 

Magmula noong Sabado, 6,583 katao ang nag-avail ng travel assistance sa mga probinsya bilang bahagi ng ikalawang batch ng Hatid Tulong initiative.

 

Pero 48 rito ang nagpositibo sa rapid tests na isinagawa sa mga pasahero bago payagan makauwi ng kanya-kanyang probinsya.

 

Sa ngayon, hinihintay pa ng mga ito ang resulta naman ng isinagawang swab test sa kanila.

 

Nananatili ang mga ito sa kasalukuyan sa iba’t ibang quarantine facilities sa Manila. (ARA ROMERO)

Other News
  • Galit daw ang ina ni Elisse kaya ‘di inimbita: McCOY, hindi nakapunta sa surprise birthday party ng anak

    WHAT this we heard na nagkakatampuhan daw ngayon ang magkaparehang sina Elisse Joson at McCoy De Leon.  Hindi raw kasi dumating ang huli sa surprise birthday celebration ng una. In fairness ang mommy ni Elisse ang lahat ng may plano sa nabanggit na pa surpresa para sa kaarawan ng anak. Inimbitahan daw ng ina ni […]

  • “DRAGON BALL SUPER: SUPER HERO” OPENS AT NO.1 IN U.S. WITH $21-M

    AUGUST 22, 2022 — Dragon Ball Super: SUPER HERO topped the U.S. box office in its opening weekend, shattering expectations by summoning an impressive $21 million in North American ticket sales. The anime film is being distributed in North America by Crunchyroll, which specializes in anime film and television. “We’re absolutely thrilled that ‘Dragon Ball’ fans could […]

  • Kahit wala naman siyang ka-date: DAVID, kinarir ang suit na susuotin sa ‘GMA Thanksgiving Gala 2023’

    BUKOD sa pagiging abala sa taping ng kanilang upcoming Kapuso series na ‘Maging Sino Ka Man’ ni Barbie Forteza, ay abala ang Pambansang Ginoo na si David Licauco sa paghahanda para sa nalalapit na GMA Gala 2023 sa July 22.     Ayon kay David ay galing pa sa ibang bansa ang kaniyang suit na […]