• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Roach, nangangamba baka huling laban na ni Pacquiao ang nangyaring harapan vs Ugas

Inamin na rin ng kilalang trainer at Hall of Famer coach Freddie Roach na ito na ang panahon para magretiro ang kanyang best boxing student na si Manny Pacquiao.

 

 

Ayon kay Roach, nangangamba siya at natatakot na baka ito na ang ang huling laban ni Pacquiao matapos na lumasap nang pagkatalo sa Cuban champion na si Yordenis Ugas.

 

 

Sinabi ni Roach, napakatagal na ring panahon na kasama niya si Pacquiao at sa naging performance nito nitong nakalipas na linggo ay hindi na ito katulad noong huling laban kay Keith Thurman noong taong 2019.

 

 

Paliwanag pa ni roach, bilang best fighter, masaklap sabihin na magretiro na si Pacquiao.

 

 

Ayaw daw nito itong makita na mangyayari, pero ang panahon na ang makapagsasabi.

 

 

Sa huli aniya, ang fighting senator pa rin daw ang magdedesisyon.

 

 

Samantala, ang kababata ni Pacquiao ang isa rin sa malapit na trainer na si Buboy Fernandez, pwede pa raw lumaban ang eight division world champion at babawi ito.

 

 

Samatala inaasahan namang magpapa-checkup sa kanang mata si Pacquiao habang nasa Los Angeles.

 

 

Ang kaliwang mata naman nito ay nangailangan ng limang tahi matapos na tamaan ng mga jabs ni Ugas.

Other News
  • Philippines-best tankers hakot ng 2 golds, 3 silvers sa France

    UMARANGKADA pa nang husto ang Pinoy tankers matapos humakot ng dalawang ginto at tatlong pilak na medalya sa 10th Circle of Swimmers of Melun Val de Seine na ginaganap sa Piscine de Melun swimming pool sa Melun, France.     Rumesbak si Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh sa pagkakataong ito matapos pagreynahan […]

  • P200 monthly aid sa gitna ng tumaas na presyo ng langis, hindi sapat-VP bets

    HINDI sapat ang P200 month aid na ibibigay ng pamahalaan sa mga mahihirap na pamilyang Filipino sa panahon nang patuloy na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.     Dapat din na suspendihin ang excise tax sa fuel products.     Sa idinaos na debate na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec), karamihan kasi sa […]

  • Mapapa-LSS at marami ang makaka-relate sa movie: REY, walang tinago at punum-puno ng kulay at drama ang buhay

    TUNAY ngang punum-puno ng kulay at drama ang pinagdaanang buhay ng OPM hitmaker at award-winning composer na si Rey Valera sa biopic na dinirek ni Joven Tan, ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera).”     Ito ang official entry ng Saranggola Media sa first Summer Metro Manila Film Festival […]