• March 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ROCKETS, ‘NOT PRESSURED’ KAHIT NAIS NANG UMALIS NINA HARDEN, WESTBROOK

WALA umanong nararamdamang pressure ang Houston Rockets na i-trade si James Harden o Russell Westbrook, kahit na naghayag na ang dalawang superstars ng kanilang interes na makalipat na sa ibang koponan.

 

Nananatili raw kasi ang paninindigan ng pamunuan ng Houston na hindi ite-trade ang dalawa hangga’t walang team ang nakakatapat sa asking price.

 

Batay sa ilang mga impormante, handa rin daw ang Rockets na simulan ang training camp at simulan ang season na nasa roster sina Harden at Westbrook, kahit na hindi na raw natutuwa ang dalawa sa sitwasyon.

 

Sinasabing nagkaroon na rin daw ng diskusyon ang Rockets at Washington Wizards kaugnay sa isang deal kung saan ipapalit kay Westbrook si All-Star guard John Wall.

 

Pero hirit daw ng Rockets, maliban kay Wall ay dapat ding magsama ng assets ang Wizards.

 

Sa kabila nito, hindi naman daw naoobliga ang Houston na tuparin ang hiling ni Harden na makalipat ito sa Brooklyn Nets.

 

Sa kasalukuyan, sinimulan na ng Rockets ang pag-iipon ng kanilang assets na posibleng makatulong sa franchise sakaling matuloy ang paglisan ng dalawang NBA stars.

Other News
  • F2 winalis ang Petrogazz sa 3 sets ngunit bigo pa ring makasama sa semis

    Isinara ng F2 Logistics ang kanilang kampanya sa PVL Reinforced Conference sa pamamagitan ng 25-16, 25-22, 27-25 na panalo laban sa Petro Gazz upang tumapos sa ikalima matapos magtapos sa ikaanim sa Open Conference noong Martes sa PhilSports Arena.     Ang Cargo Movers, sa pangunguna ng 22 puntos ni Lindsay Stalzer, ay nangibabaw sa […]

  • NAGNEGATIBO SA COVID ANG BUONG DELEGASYON NG PBA

    NAKAPAGPRAKTIS na ang Magnolia Chicken, Phoenix Super LPG, Terra Firma, Talk ‘N Text at Manila Electric Company o Meralco nito Huwebes.   Samantalang Biyernes naman ang defending champion San Miguel Beer, Barangay Ginebra San Miguel, Blackwater Bossing, NorthPort Batang Pier, Rain or Shine, Alaska Milk at NLEX.   Matapos ito na walang nasuring may Covd-19 […]

  • Kelot, kulong sa panunutok ng toy gun sa ate sa Malabon

    SHOOT sa kulungan ang isang tambay matapos ipaaresto sa pulisya ng kanyang nakakatandang kapatid na babae nang tutukan siya ng baril sa Malabon city, kamakalawa ng gabi. Mahaharap ang suspek na si alyas “Pual”, 43, ng Sampaguita St., Brgy. Longos sa kasong Grave Threat at paglabag sa R.A. 10591 in Relation to B.P. No. 881 (Omnibus […]