• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RODERICK, ‘di sumama ang loob na ‘di nakapasok ang comeback film na ‘Mudrasta’ sa ‘MMFF’

Roderick Paulate na hindi nakapasok sa festival ang comeback film niya Mudrasta from TREX Entertainment Productions. Hindi naman kasi alam ni Kuya Dick na ipinasok pala as entry ang movie kung saan leading man niya si Tonton Gutierrez and kasama rin ang kaibigan niyang si Carmi Martin. 

 

 

Since comeback movie niya ang Mudrasta, mas gusto ni Kuya Dick na mas maraming tao ang makapanood nito. Kaya he is looking forward na maipalabas ito ‘pag mas maraming tao na ang pwedeng ma-accommodate sa mga sinehan.

 

 

As of now ay kokonti pa rin naman ang mga nanonood ng sine. Maski si Kuya Dick ay medyo alanganin pa rin ang desisyon kung manonood na siya sa sinehan although he is looking forward to it.

 

 

Kuya Dick is running for councilor sa District II of Quezon City. Gusto niya na muling makapagsilbi sa kanyang mga kasamahan sa distrito.

 

 

Nine years din naman siyang naging konsehal at hindi man siya pinalad magwagi as vice mayor, nakabalik naman siya sa showbiz which he enjoyed naman.

 

 

He recently won as Best Supporting Actor sa comedy series sa Star Awards for TV para sa One of the Baes.

 

 

He is looking forward na makabalik sa konseho para magsulong ng mga batas na makatutulong sa mga tao.

 

 

Sa kanyang paglilibot sa mga barangay, it warmed Kuya Dick’s heart nang malaman na the people remembers the kind of service he gave noong konsehal pa siya. At kung paano siya nakatulong sa marami in his own little way.

 

 

“Iba talaga pag nasa puso ang pagsisilbi at tapat ka sa tungkulin mo,” sabi ni Kuya Dick.

 

 

***

 

 

NATUTUWA si Dimples Romana sa magandang response ng mga tao first two episodes ng Viral Scandal.

 

 

“Ang kwento ng Viral Scandal is something na pinag-uusapan natin at nangyayari sa society natin ngayon. It is very current kaya dapat lang mapag-usapan.

 

 

Lahat ng issues happening in our society ay nasa palabas na ito kaya mas lalong nae-excite ang mga viewers,” sabi ni Dimples.

 

 

Sabi pa ni Dimples, very powerful ang message na hatid at matapang din ang show at production team sa paglalahad nito.

 

 

Kakaiba ang kwento ng Viral Scandal which everybody can relate.

 

 

Pinuri at pinag-usapan din ang mahusay na acting ng mga artista like Jake Cuenca, Charlie Dizon, Jameson Blake, at Joshua Garcia.

 

 

Sa mga susunod na episodes, dapat abangan ng viewers kung ano ang kahihinatnan ni Rica sa pagkalat ng kanyang video scandal. Panoorin kung ano ang gagawin niya at ng kanyang pamilya sa pang-aalipustang maririnig nila sa mga tao.

 

 

Subaybayan ang Viral Scandal gabi-gabi ng 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • P6K fuel subsidy sa jeepney at tricycle operators

    TARGET  ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB)  na makapagbigay ng P6,000 fuel subsidy sa mga operator ng pampasaherong jeep at tricycle sa susunod na buwan ng Agosto.     Sa QC forum, sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na plano nilang ibigay ang naturang subsidy upang makatulong sa naturang mga operators sa tumaas na […]

  • 470K sasakyan bumibiyahe sa EDSA kada araw – MMDA

    MAY average na 470,000 sasakyan na ang bumibiyahe ngayon sa EDSA kada araw at inaasahan pang tataas habang papalapit ang Pasko at Bagong Taon, ayon sa Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA).     Sa kabila nito, sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na maayos pa rin umano ang trapiko sa EDSA na siyang pinakaabalang kalsada […]

  • DSWD: 3.2M nakakuha na ng 2nd tranche ng SAP

    Tinatayang natanggap na ng 3.2 milyong benepisyaryo ang second tranche ng social amelioration program o SAP, batay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).   “As of July 16, the DSWD has disbursed the emergency subsidy for 3.2 million beneficiaries with an equivalent amount of P19.4 billion,” ani DSWD Undersecretary Danilo Pamonag.   “This […]