Romero ibinigay na ang bonus ng 3 boxers
- Published on August 23, 2021
- by @peoplesbalita
Tinupad ni House Deputy Speaker Mikee Romero ang kanyang pangako kina Tokyo Olympics silver medal winners Nesthy Petecio at Carlo Paalam at bronze medalist Eumir Felix Marcial.
Sa seremonyang tinawag na “Bagsik Ng Kamao” ay iginawad ni Romero kina Petecio, Paalam at Marcial ang kanyang pangakong cash incentives via Zoom.
May tig-P2 milyon sina Petecio at Paalam, lumaban sa women’s featherweight at men’s flyweight division, ayon sa pagkakasunod habang P1 milyon kay Marcial na sumabak sa men’s middleweight class sa Tokyo Games.
“Nesthy, Carlo and Eumir brought immense pride and hope to the Filipino people amid these trying times due to the pandemic,” sabi ni Romero. “They truly deserve these blessings.”
Nauna nang personal na ibinigay ng NorthPort Batang Pier team owner kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang tsekeng P3 milyon.
Winakasan ni Diaz ang 97-taong paghihintay ng Pinas sa kauna-unahang Olympic gold nang manalo sa women’s 55-kilogram division sa Tokyo Games.
“Nagpapasalamat kami kay Deputy Speaker Mikee Romero sa support na ibinigay niya hindi lang sa amin kundi pati na rin sa Philippine sports,” wika ng 29-anyos na si Petecio. “Hindi kami hihinto hanggang walang ginto.”
-
Carrasco panauhin sa 2021 Sports Summit
Si Asian Regional Representative at Philippine Olympic Committee (POC) Technical Commission chairman Tom Carrasco ang magiging panauhin bukas ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa ika-12 sesyon ng National Sports Summit 2021. Tatalakayin ni Carrasco, ang pangulo ng Southeast Asian Triathlon (SAT) at Triathlon Association of the Philippines (TRAP), ang ‘Main Support System […]
-
Halos 1-K mga protesters sa Russia inaresto
NASA halos 1,000 katao na ang inaresto sa Russia dahil sa pagsasagawa ng kilos protesta sa iba’t ibang bahagi ng nasabing bansa. Sa Moscow pa lamang ay umabot na sa mahigit 330 katao ang kanilang ikinulong. Kinokondina ng mga Russian protesters ang ginawa ng kanilang sundalo na paglusob sa Ukraine. […]
-
Wala nang SAP sa 2021 budget – DBM
Wala nang ilalaan na pondo ang gobyerno para sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng panukalang pambansang pondo para sa taong 2021. Ito ang nilinaw ni Budget Secretary Wendel Avisado sa pagsisimula sa pagtalakay ng House Committee Appropriations ni Sen. Sonny Angara sa P4.5 trillion national budget para sa susunod na taon. Sa […]