• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Roque kokonsultahin si PDU30, pamilya ukol sa 2022 Senate bid

SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kakausapin na muna niya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bago magdesisyon kung maghahain o hindi ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagka-senador sa May 2022 elections.

 

“Magkakausap muna po kami ni Presidente and I continue to consult with my family members and my supporters as well as seeking spiritual guidance on this decision,” ayon kay Sec. Roque sa press briefing sa Angeles City, Pampanga.

 

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na nananatili niyang ine-explore ang kanyang mga opsyon subalit natutuwa na rin dahil inendorso siya bilang guest senatorial candidates para sa 2022 national elections ng ruling party Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

 

Noong nakaraang Hulyo, sinabi ni Sec. Roque na kailangan niyang sumailalim sa physical check-up bago gumawa ng kanyang pinal na desisyon ngunit sa kalaunan ay sinabi sa mga mamamahayag na maayos ang kanyang kalusugan.

 

Palaging sinasabi ni Sec. Roque na ang kanyang prayoridad sa ngayon ay magsilbi sa publiko bilang tagapagsalita ni Pangulong Duterte at para tiyakin na makapagbibigay ng “actual and accurate” information, lalo na sa gitna ng pandemiya.

 

Si Roque ay unang naging tagapagsalita ni Pangulong Duterte noong Oktubre 2017 hanggang sa siya ay magbitiw sa puwesto ng sumunod na taon para sa kanyang pagtakbo sa Senado noong 2019 sa kabila ng sinabi sa kanya ng Pangulo na hindi siya mananalo.

 

Tumakbo si Sec. Roque sa pagka-senador sa ilalim ng People’s Reform Party ng namayapang Senador Miriam Defensor-Santiago subalit sa kalaunan ay umatras sa kanyang Senate bid matapos na dumanas ng “unstable angina coronary disease”.

 

Ang paghahain ng COCs para sa lahat ng elective positions para sa nalalapit na eleksyon ay nakatakda mula Oktubre 1 hanggang 8 ngayong taon.

 

Bukod kay Sec. Roque, ang iba pang PDP-Laban’s guest senatorial candidates ay sina Public Works Secretary Mark Villar Presidential Anti-Corruption Commission chairperson Greco Belgica, at House Deputy Speaker Rodante Marcoleta.

 

Ang PDP-Laban’s official senatorial candidates naman ay kinabibilangan nina Labor Secretary Silvestre Bello III, Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Transport Secretary Arthur Tugade, at Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez.  (Daris Jose)

Other News
  • Utang ng Pilipinas ‘record-high’ na naman sa P13.64 trilyon nitong Oktubre

    TUMUNTONG  na sa P13.64 trilyon ang “outstanding debt” ng gobyerno ng Pilipinas sa pagtatapos ng Oktubre 2022, bagay na nangyayari sa gitna ng 14-year high inflation rate at kontrobersyal na panukalang Maharlika Wealth Fund. Ito ang ibinalita ng Bureau of Treasury, Miyerkules, matapos madagdagan ng P124.92 bilyon ang halagang hiniram ng gobyerno. Nasa 0.92% pag-akyat […]

  • PBBM at mga gabinete patuloy ang masusing pag rebyu sa 2025 nat’l budget

    NAGPAPATULOY ang masusing pagre- review ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang mga economic managers at mga gabinete sa 2025 proposed national budget.       Ito ang sinabi ni Executive secretary Lucas Bersamin sa gitna ng pagtiyak na naaayon sa itinatakda ng Konstitusyon ang aaprubahang budget ng Pangulo sa susunod na taon.   […]

  • Malakanyang, inaasahan ng ookrayin ng oposisyon ang SONA ni Pangulong Duterte

    INAASAHAN na ng Malakanyang na ookrayin ng oposisyon ang pang-anim at panghuling State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Sa ulat, tinawag kasi ng oposisyon na “Joke of the Nation Address” ang naging Ulat sa Bayan ng Pangulo kahapon sa Batasang Pambansa.   Para sa oposisyon, nabigo si Pangulong Duterte […]