Russian at Belarusian pwedeng sumali sa 2024 Paris Olympics
- Published on January 28, 2023
- by @peoplesbalita
Kinontra ng Ukraine ang pagpayag ng International Olympic Committee (IOC) na makapaglaro sa 2024 Olympic Games sa Paris ang mga atleta ng Russia at Belarus.
Ang nasabing desisyon ay base sa ginawang pagpupulong ng IOC members, lobal network of athletes representatives, International Federations at National Olympic Committee.
Saad ng IOC na wala dapat atleta na pagbawalan na makilahok sa mga international sporting events kahit anong uri ng kanilang pasaporte.
Mula kasi ng lusubing Russia ang Ukraine noong nakaraang taon ay inirekomenda ng IOC na dapat pagbawalan ang mga atleta ng Russia at Belarus na makilahok at kapag lumahok sila ay dapat gumamit ang mga ito ng neutral na bandila.
Ayon sa Ukrainian Athletes at Global Athlete na sa desisyon na ito ng IOC ay nagpapakita lamang na tila sinusuportahan nila ang ginawang paglusob ng Russia sa Ukraine. (CARD)
-
Malakanyang, umaasa na aalis na rin ang mga natitirang Chinese vessels
UMAASA ang Malakanyang na aalis na rin ang natitirang Chinese vessels na nakadaong sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea (WPS). “We are still hoping that they will leave the area. Kaya hindi po totoo na hindi pinansin ng China ang Presidente (Rodrigo Roa Duterte),” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Binanggit […]
-
Tuloy ang suporta ng PSC sa mga national teams
Bagama’t apektado ng pandemya ang kanilang pondo ay todo-bigay pa rin ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagsuporta sa mga national athletes na tumatarget ng silya sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan. Ang dalawang national team na binuhusan ng pondo ng sports agency para sa kanilang paglahok sa Olympic qualifying tournaments ay […]
-
Lockdown sa Metro Manila
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng nagpopositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa bawat araw na lumilipas. Kaya may humihirit na rin na pansamantalang magpatupad ng lockdown sa buong Metro Manila kung saan naitala ang karamihan sa mga nagpositibo. Nangangahulugan ito na isasara muna ang mga paliparan para sa domestic flights, South Luzon […]