• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Russian gymnast pinatawan ng 1-year ban dahil sa pagsuporta sa paglusob sa Ukraine

PINATAWAN ng isang taon na ban si Russian gymnast Ivan Kuliak.

 

 

Ito ay dahil sa paglalagay niya ng simbolo sa uniporme ng panghihikayat ng giyera sa Ukraine.

 

 

Inilagay kasi ng 20-anyos na si Kuliak ang letrang “Z” sa uniporme nito habang katabi si Ukrainian gymnast ​Illia Kovtun sa podium.

 

 

Nagwagi kasi ng gold medal si Kovtun habang bronze medal si Kuliak sa parallel bars event sa gymnastics World Cup event na ginanap sa Doha, Qatar noong Marso.

 

 

Ang “Z” symbol kasi ay inilagay ng mga Russia sa kanilang tangke at mga sasakyan na mga military na sumisimbolo sa paglusob nila sa Ukraine.

 

 

Kinondina ito ng International Gymnastics Federation (FIG) kaya ito ay kanilang idinulog sa Disciplinary Commission of the Gymnastics Ethics Foundation (GEF) para mabigyan ng parusa.

 

 

Binigyan ng ng 21 araw naman ang gymnast para iapela ang desisyon nito.

Other News
  • Ikinuwento ang aksidente nilang pagkikita… ‘Black Rider’ ni RURU, inaming pinaghahandaan na nina COCO

    MASAYANG ikinuwento ni Ruru Madrid ang aksidenteng pagkikita nila ni Coco Martin sa isang event.       Ayon sa Kapuso Primetime Action Hero, niyakap siya nang mahigpit ng bida ng ‘Batang Quiapo’.       “Sakto nandoon si sir Coco. Nilapitan ko po siya, nakaupo siya, sabi ko, ‘Sir Coco magandang gabi po!’ Tapos […]

  • Social amelioration programs ng DSWD pinapa-excempt sa spending ban sa halalan

    ITINUTULAK ni House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda na gawing exempted ang lahat ng emergency financial assistance programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa spending ban dahil sa eleksyon.     Sa kanyang liham kay DSWD Sec. Rolando Bautista, hiniling ni Salceda na i-petition nito sa Comelec na gawing […]

  • Gatchalian, handa sa hamon sa DSWD

    “GIVE me a chance to lead and perform my new job (DSWD Secretary)!”   Ito ang mariing apela ni dating Valenzuela Congressman at ngayo’y Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa kanyang mga kritiko.     “Nakikiusap lang ako sa lahat ng mga kritiko o mga nakatingin, bigyan n’yo na lang […]