• July 8, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

S-PASS kailangan sa inter-provincial PUVs

Pinagutos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga public utility vehicles (PUVs) na may biyaheng inter-regional at inter-provincial na ruta ang paggamit ng safe, swift and smart passage o S-PASS travel management system.

 

 

Ang S-PASS ay isang communication platform na ginawa ng Department of Science and Technology (DOST) upang masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng mga pasahero na nagbibiyahe sa pagitan ng provincial at regional borders. Ginawa rin ito upang maiwasan ang paglaganap ng COVID 19.

 

 

Inilungsad ng DOST ang S-PASS noong nakaraang Marso habang ang COVID 19 cases ay tumataas. Sa pamamagitan nito, ang mga pasahero ay maaaring tingnan ang mga travel restrictions sa kanilang pupuntahan. Habang ang mga LGUs ay gumagawa ng real-time monitoring ng mga parating ng mga pasahero.

 

 

Sa ilalim ng LTFRB memorandum circular, ang mga pasahero ay kinakailangan na mag parehistro sa S-PASS system bago sila bumili ng tickets. Ang circular ay nilagdaan ni LTFRB chairman Martin Delgra noong May 11.

 

 

Kailangan lamang nilang gamitin ang kanilang mobile number upang mag apply ng travel passes mula sa mga LGUs sa pamamagitan ng kanilang websites. Binigyan diin naman ng DOST na hindi nila control kung gaano katagal maaprubahan ng LGUs ang kanilang application.

 

 

Kinakailangan na magbigay din sila ng proof na may S-PASS sila bago sila payagan na sumakay ng bus.

 

 

Ang isa pang kailangan ay ang travel coordination permit o travel pass-through permit na binibigay ng local government kung saan sila ay papunta.

 

 

“Violation of the circular will be deemed a breach of a resolution issued by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases,” wika ng LTFRB.

 

 

Sa paggamit ng S-PASS, ang mga tao ay puwedeng mag apply ng travel coordination permit na siyang pumalit sa travel authority para gamitin sa mga restricted na lugar.  Kung galing sa mga restricted na lugar upang pumanta sa unrestricted na lugar, ang mga pasahero ay puwedeng mag apply ng travel pass-through permit sa pamamagitan ng S-PASS.

 

 

 

Ayon sa LTFRB may mahigit sa 250 na ruta ng buses na may 5,000 na units sa loob at labas ng Metro Manila ang kanilang binuksan sa gitna ng pandemya.

 

 

Mayron lamang na 50 percent passenger capacity ang pinatutupad sa mga PUVs kasama ang minimum health protocols tulad ng sapilitang paggamit ng face masks at face shields kasama ang social distancing.  (LASACMAR)