Sa 38th Star Awards for Movies: CHARO at SUNSHINE, nag-tie sa Best Actress at si VINCE ang Best Actor
- Published on July 18, 2023
- by @peoplesbalita
MANINGING at matagumpay ang 38th Star Awards for Movies ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) na ginanap nitong Linggo, Hulyo 16, 2023, sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Nakipag-sanib-pwersa ngayong taon ang PMPC sa Gutierez Celebrities & Media Production na pinamumunuan ni MJ Gutierez para ihatid ang modern Filipiniana theme ng naturang awards night.
Kaya naman nakatutuwang pagmasdan ang pagrampa sa red carpet ng celebrities at guests suot ang kanilang magarbong barong at Filipiniana gowns sa pangunguna ng hosts ng gabi ng parangal na nagwagi rin ng special awards – Claudine Barretto, Sunshine Cruz, Alfred Vargas, at Christian Bautista.
Marami sa mga nagwagi ang naging emosyonal at hindi napigilang mapaiyak sa pagtanggap ng kanilang award gaya na lang ni Sunshine Dizon na itinanghal na Movie Actress of the Year para sa pelikulang “Versus.” Naka-tie niya sa award si Charo Santos-Concio para sa “Kun Maupay Man It Panahon.”
Si Vince Tañada naman ang itinanghal na Movie Actor of the Year habang ang co-actor niya sa “Katips” na si Johnrey Rivas ang nagwaging Movie Supporting Actor of the Year.
Narito ang ilan sa winners para sa 38th Star Awards for Movies:
MOVIE OF THE YEAR – “On The Job 2: The Missing 8” (Reality MM Studios, Globe Studios, HBO Asia Originals)
MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR – Erik Matti (On The Job 2: The Missing 8 )
INDIE MOVIE OF THE YEAR – “Katips” (PhilStagers Films)
INDIE MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR – Vince Tañada (Katips)
MOVIE ACTRESS OF THE YEAR – Charo Santos-Concio (Kun Maupay Man It Panahon) at Sunshine Dizon (Versus)
MOVIE ACTOR OF THE YEAR – Vince Tañada (Katips)
MOVIE SUPPORTING ACTRESS OF THE YEAR – Janice De Belen (Big Night!) at Lotlot De Leon (On The Job 2: The Missing 8 )
MOVIE SUPPORTING ACTOR OF THE YEAR – Johnrey Rivas (Katips)
MOVIE ENSEMBLE ACTING OF THE YEAR – The cast of “On The Job 2: The Missing 8”
INDIE MOVIE ENSEMBLE ACTING OF THE YEAR – The cast of “Katips”
NEW MOVIE ACTRESS OF THE YEAR – Quinn Carrillo (Silab)
NEW MOVIE ACTOR OF THE YEAR – Sean De Guzman (Anak Ng Macho Dancer)
CHILD PERFORMER OF THE YEAR – Ella Ilano (The Housemaid)
SHORT MOVIE OF THE YEAR – “Black Rainbow” (Sinehalaga, NCCA, Negros Cultural Foundation, Uncle Scott Global Productions)
SHORT MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR – Zig Dulay (Black Rainbow)
Mas pinakinang pa ang gabi ng parangal ng world-class performances ng The Company, Daryl Ong, Marlo Mortel, at ng Concert King na si Martin Nievera.
Ang awards night ay pinamunuan ng kasalukuyang Pangulo ng PMPC na si Fernan de Guzman bilang overall chairman kasama ang 2023 PMPC officers at board of directors. Ang kasalukuyang Vice President na si Mell Navarro ang tumatayong chairman ng 38th Star Awards for Movies katuwang ang PMPC Asst. Treasurer na si Lourdes Fabian bilang co-chairman.
Si Frank Lloyd Mamaril ang direktor ng gabi ng parangal. Ang kabuuan ng awards night at pagtatanghal ay mapapanood sa ALL TV Network sa Linggo, Hulyo 23, 9pm.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Price cap sa presyo ng gamot, tinintahan ni Duterte
PINIRMAHAN ni Pangulong Duterte ang Executive Order number 104 na naglalagay ng price cap sa kabuuang 86 drug molecules o 133 drug formulas sa bansa. Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na sa ilalim ng EO 104 o “Improving Access to Healthcare Through the Regulation of Prices in the […]
-
16 organisasyon iniuugnay sa Reds bilang ‘terror groups’
PINANGALANAN ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang 16 na underground organizations na iniuugnay sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bilang grupong terorista. Sa Resolution No. 288 (2022) na may petsang Enero 26 at nilagdaan ni ATC vice chairperson at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., may nakitang probable cause ang ATC […]
-
Unang batch ng bakunang made in Russia, maaaring dumating sa Abril 12
INAASAHAN na ang pagdagsa ng mga bakuna laban sa Covid -19 sa bansa ngayong buwan. Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez na maaaring sa darating na Lunes ay dumating na ang kauna- unahang batch ng bakuna na galing ng Russia. Nauna na kasing sinabi ni Galvez na inaasahan ang […]