• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa gitna ng SCS territorial disputes, Pinas, committed sa kapayapaan -PBBM

PATULOY na ipinapakita ng Pilipinas ang commitment nito sa kapayapaan sa kabila ng hindi pa rin nalulutas na  territorial disputes sa South China Sea (SCS).

 

 

Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya makatulog sa gabi dahil sa usaping ito.

 

 

“It (SCS issue) keeps you up at night, it keeps you up in the day, it keeps you up most of the time,” ayon sa Pangulo sa  one-on-one dialogue kasama si World Economic Forum (WEF) president Børge Brende  sa Davos, Switzerland.

 

 

“It’s very dynamic. It’s constantly in flux. So, you have to pay attention to it and to make sure that you are at least aware of the present situation so that you’re able to respond properly,” dagdag na wika ni Pangulong Marcos.

 

 

Matatandaang, sa naging pagpupulong ni Pangulong Marcos kay Chinese President Xi Jinping sa China nito lamang unang bahagi ng Enero ng kasalukuyang taon, binanggit ng Chief Executive kay Xi ang “long-standing dispute” sa Tsina ukol sa SCS, para sa Pangulo ito ay importanteng isyu na hindi maiiwasang pag-usapan.

 

 

Lalabas kasi na hindi niya ginagawa ang kanyang trabaho kapag nabigo siyang banggitin ang usaping ito kay Xi.

 

 

“There’s no way to avoid it. We described it in diplomatic language as one part of our relationship. But it is an important and unavoidable issue that we have to ventilate. And we cannot sweep it under the rag and pretend it’s not happening because there are effects not only in the diplomatic sense, not only in the security sense but even in the livelihood of our citizens,” ang wika ng Pangulo.

 

 

Nananatili naman ang posisyon ng Punong Ehekutibo na ang tanging paraan para plantsahin ang “maritime row” ay ang isulong ang  mapayapang negosasyon.

 

 

Inamin pa rin ng Pangulo na hindi kaya ng Pilipinas na makipag-giyerahan (giyera) sa Beijing.

 

 

Aniya, ang Manila ay  nagmamasid lamang bilang “bystander” kapag  mayroong tensyon sa pagitan ng China at Estados Unidos sa tuwing may sasakyang-dagat ang tumatawid sa katubigan.

 

 

Kaya nga aniya, ang Pilipinas ay “at the very frontline” sa cross-trade tensions sa pagitan ng Tsina at Estados Unidos.

 

 

“We are watching as bystanders. And if something goes wrong here, we are going to suffer. That’s why when asked, ‘What is your foreign policy? How would you describe it?’ I say it’s a commitment to peace and guided very, very closely by our national interest,”ani Pangulong  Marcos.

 

 

“Some people say, even within the Philippines, we should do more. I said, ‘What do you want to do? Go to war?’ Nobody wants to go to war. China doesn’t. The United States doesn’t. Just having the tensions increase in the region already has an effect on trade, on all of the exchanges that we have within ASEAN (Association of Southeast Asian Nations), within the region, with China, with the United States,” litaniya nito. (Daris Jose)

Other News
  • Alcantara, Gonzales talsik

    HINDI umubra sina Philippine duo Francis Casey Alcantara at Ruben Gonzales laban kina Conner Huertas at Alexander Merino ng Peru, 7-6 (11-9), 4-6, 10-7, para magmintis sa semifinals ng katatapos na International Tennis Federation (ITF) ASC BMW $25,000 Men’s World Tennis Tour second leg sa Naples, Florida.     Pumalaot sa quarterfinas sina homegrown Alcantara […]

  • P2K allowance sa PWDs, hirit sa Kamara

    INIHAIN  ni Quezon City Rep. PM Vargas sa Kongreao ang pagbibigay ng P2,000 support allowance kada buwan sa mga persons with disabilities (PWDs) bilang tulong sa mga ito.     Sa panukalang Disability Support Allowance Act (House Bill 5803), sinabi ni Vargas na ang nabanggit na social support program ay itinutulak din ng advocacy group […]

  • IATF, itinaas ang apat na lalawigan sa Alert Level 4

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Enero 20, 2022, ang ilagay sa ilalim ng Alert Level 4 ang Kalinga, Ifugao at Mountain Province sa Cordillera Administrative Region, at maging ang lalawigan ng Northern Samar.     Sa kabilang dako, ang mga sumusunod na lugar na inilagay naman ng IATF sa Alert Level […]