Sa ika-anim na pagkakataon… SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE, MULING NAKUHA NG NAVOTAS
- Published on December 11, 2024
- by @peoplesbalita
MULING nasungkit ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinakaaasam na Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ikatlong magkakasunod na taon.
Personal na tinanggap ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez at DILG Navotas City Director Jenifer Galorport, ang parangal noong Lunes sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel.
“Earning the Seal of Good Local Governance six times is proof that we can achieve the highest standards of public service as long as we work together and remain united. We are deeply honored and humbled by this recognition, as well as the trust and confidence our people have placed in our leadership,” ani Tiangco.
“Ang karangalang ito ay alay natin sa bawat Navoteño na naging katuwang namin sa pagbuo ng isang maunlad at masayang Navotas,” dagdag niya.
Ang SGLG ay isang institutionalized award, incentive, at recognition-based program ng pambansang pamahalaan na naglalayong itaas ang kultura ng mabuting pamamahala.
Ang mga tatanggap ng seal ay kailangang pumasa sa pagtatasa sa lahat ng sampung lugar ng pamamahala tulad ng Financial Administration and Sustainability; Disaster Preparedness; Social Protection and Sensitivity; Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education; Business Friendliness and Competitiveness; Safety, Peace and Order; Environmental Management; Tourism, Heritage Development, Culture and Arts; and Youth Development.
Ang mga SGLG awardees ngayong taon ay pinagkalooban ng incentive fund subsidy na nagkakahalaga ng P2 milyon.
Ang Navotas ay nakatanggap din ng SGLG noong 2015, 2017, 2019, 2022, at 2023 mula sa DILG. (Richard Mesa)
-
Sony Announces Brad Pitt’s Action Movie ‘Bullet Train’ Release Date
SONY has announced that Brad Pitt‘s new action movie Bullet Train will pull into the station on April 8, 2022 — and yes, the star-studded film will play in IMAX theaters and other large premium formats. David Leitch directed the high-octane movie, which follows a group of assassins on a train in Tokyo. Pitt stars […]
-
Top 4 most wanted person ng Malabon, timbog
LAGLAG sa selda ang isang mister na wanted sa kaso ng panggagahasa matapos malambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na nakatanggap ang mga […]
-
Pinagbawalan din na ‘mmag-cellphone sa set: TESSIE, may sinitang young star na ‘di nagseseryoso
HININGAN namin ng reaksyon si Tessie Tomas na isa sa bida ng ’Senior Moments’ tungkol sa mga kabataang artista ngayon kumpara sa panahon nila noon. “Napakabigat ng mga tanong na yan ha,” tumatawang sagot ng aktres sa amin, “siyempre ang nakikita ko ay napaka-gadget conscious nila, their attention is very limited. “Therefore they […]