• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa Japan napiling mag-celebrate ng 31st birthday: ALDEN, kinukulit na ng mga fans na mag-girlfriend na

“NEW beginnings” na talaga para sa actress na si Sunshine Cruz ang taong 2023. 

 

 

Obviously, wala na sa mga ganap niya ang boyfriend na si Macky Mathay at ang kasaman nila ng tatlong anak na babae ay ang ama nito at ex-husband na si Cesar Montano at bago nitong pamilya.

 

 

Sa Bohol pa nila sinalubong ang bagong taon kunsaan, “constant” na pinapasyalan ni Sunshine noong sila pa ni Cesar.

 

 

Nagpasalamat si Sunshine sa bagong partner ni Cesar na si Kath at sabi niya, para raw sa ikaliligaya ng mga anak nila ang magandang relasyon nil ani Cesar ngayon.

 

 

Ayon dito, “Thank you guys for the wonderful messages/comments. We appreciate it. Our family chose forgiveness and we are finally co parenting. I guess not a lot of people will understand but this is our family and whatever works and makes the children happy, dun kami. Para sa mga anak.

 

 

“Cesar is very blessed to have someone like Kath. Beautiful in and out. She accepted and loved my kids and I appreciate her so much. Happy New Year guys! Focus tayo sa positivity. Masarap po mabuhay ng may pagpapatawad at pagmamahal sa puso.”

 

 

***

 

 

KASALUKUYANG nasa Japan ngayon ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.  

 

 

Kasama ang kanyang ever-loyal assistant na si Mama Tenten.

 

 

Kaya sa Japan napili ni Alden na mag-celebrate nhg kanyang 31st birthday. Nag-Instagram Live ito at pinapahulaan sa mga netizens kung nasaan siya. 

 

 

Marami rin naman ang nakahula na nasa Japan nga siya. Nagpasalamat din sa rami raw niyang natatanggap na messages.

 

 

Sabi ni Alden, isang taon na lang daw at wala na nga siya sa kalendaryo pero siyempre, sa mga achievements niya kung babalikan ‘yung panahon na nagsisimula pa lang siya, sobrang dami at sobrang bigat ng mga nangyari at nabago sa buhay niya.

 

 

Kinukulit si Alden ng mga nanood ng IG Live niya na 31 na raw siya, mag-girlfriend na siya. Pero walang sinagot si Alden sa mga nagko-comment na ganito.

 

 

Ang nakikita naming excitement ni Alden ay ang Myriad Esports na palagi niyang pino-promote at pino-post din sa kanyang social media account. Isa rin ito sa talagang binanggit niya sa kanyang Live.

 

 

Obviously, career at pagiging businessman pa rin talaga ang focus ni Alden. Pero baka naman tatahi-tahimik lang ito at manggulat na lang at may ipakilalang lovelife niya ngayong 2023, huh!

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Inamin din na first time na bumili ng Lotto ticket… SHARON, okey na kaya nakapag-dinner at nakanood na sa sinehan

    TAMANG-TAMA lamang ang pagbalik ni Kylie Padilla from her movie shoot of “Unravel” in Switzerland, dahil naka-attend siya ng “GMA Thanksgiving Gala” para sa 72nd Anniversary ng network.     Livestream sa mga social media accounts ng network, inabangan ng mga netizens ang suot ng mga Kapuso stars, Sparkle stars at guests.     Kaya […]

  • GAMOT SA ‘PINAS

    SA Pilipinas, maraming mahihirap na maysakit ang hindi makabili ng gamot dahil sob-rang mahal na kung mamalasin ay namamatay nang hindi nakatikim ng gamot o maski naipasok sa ospital.   Dahil sa kawalan o kakulangan ng perang pambili ng gamot, idinaraan na lamang sa tapal-tapal ng mga albularyo ang sakit na sa halip gumaling ay […]

  • DAYUHAN NA HINDI MAKAPASOK NG BANSA MAAARING HUMINGI NG EXEMPTION SA NTF

    KLINARO ng Bureau of Immigration (BI) na ang isang dayuhan na hindi makapasok sa bansa dahil sa umiiral na travel restrictions ay maaring humingi ng exemption  mula sa National Covid Task Force Against Covid-19 (NTF) kung  emergency o humanitarian reasons.       Sa pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente, klinaro nito na ang entry […]