Sa layunin nitong food security na may sapat na rice reserves: Pinas, nananatiling ‘on track’ -NFA
- Published on April 16, 2025
- by @peoplesbalita
NANANATILING ‘on track’ ang Pilipinas na makamit ang food security, partikular na ang suplay ng bigas. Ang dahilan ng National Food Authority (NFA) ay sapat ang buffer stock para sa mahigit na 9 na araw. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni NFA Administrator Larry Lacson na nakamit na ng administrasyong Marcos ang food security, tinukoy ang mahalagang pagbuti sa rice reserves ng bansa. “Kung ang bigas ang ating pag-uusapan, ako masasabi ko na we are on track, in fact, in less than a year from one day to last buffer stock, ngayon po ay 9.36 na,” ang sinabi ni Lacson. “So, we are on track and we are continuously increasing our buffer stock for rice, as we all know, rice is the main gauge of food security,” aniya pa rin. Binanggit din ni Lacson ang plano na palawigin ang rice buffer stock ng 15 araw ngayong taon, alinsunod ito sa mga susog sa Rice Tariffication Law. Sa kasalukuyan, hawak ng bansa ang 358,000 metric tons ng bigas rice, katumbas ito ng 7.16 million bags –sapat para pakainin ang buong populasyon para sa 9.36 days ‘in case of emergency’ o supply disruption. Samantala, nito lamang Marso 31, bumili ang NFA ng 2.2 million bags ng palay mula sa mga magsasaka sa buong bansa, nagkakahalaga ng P2.6 billion. At upang mas masuportahan pa ang mga maliliit na magsasaka, pinahusay ng ahensiya ang fast lane program nito, itinaas ang cap mula 50 sa 70 bags kada transaksyon para ma-accommodate ang mas maraming seller. (Daris Jose)
null
-
ALFRED, inaming malaking challenge na tapusin ang master’s degree; tinupad ang pangako sa namayapang ina
NAKATSIKA namin si Congressman Alfred Vargas via a zoom presscon last Sunday, a few hours after ng virtual graduation niya from UP National College of Public Administration and Governance or NCPAG where he took up a master’s degree in public administration. Ayon kay Alfred, malaking challenge na tapusin ang kanyang master’s degree dahil […]
-
PBBM, nananatiling tikom ang bibig sa kung sino ang susunod na magiging Kalihim ng DILG
MAY DALAWANG personalidad ang nasa shortlist na pagpipilian ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para ipalit kay Benhur Abalos bilang Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Nalalapit na kasi ang pagbibitiw sa puwesto ni Abalos dahil maghahanda na siya sa kanyang pagtakbo bilang senador sa midterm elections sa susunod na taon. […]
-
DUTERTE: TALAMAK PA RIN ANG KORUPSYON SA DPWH
MISMONG si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabi na talamak pa rin ang korupsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang public address kagabi matapos ang meeting sa Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF). Sinabi ni Pangulong Duterte, […]