Sa mga pinagdaanang hirap… MARK, nakaranas din ng matinding anxiety dahil sa pandemya
- Published on June 2, 2023
- by @peoplesbalita
HINDI namin sinasadyang paiyakin ang hunk actor/singer na si Mark Rivera nang makausap namin siya kamakailan.
Napadako kasi ang usapan namin sa nagdaang kasagsagan ng pandemya ng COVID-19 na nagsimula noong 2020 kung kailan nag-impose ng mahigpitang lockdown sa buong mundo.
At si Mark ang isa sa pinaka naapektuhan ng nasabing lockdown dahil naririto siya sa Pilipinas noong mga panahong iyon habang ang kanyang mga magulang ay nasa Milan sa Italy kung saan nakabase ang mga ito.
Bukod sa pagkakalayo nila, namatayan pa ng lola si Mark na noon ay kapiling niya dito sa Pilipinas.
“Sobra, because I was the one to take care of my grandmother here in the Philippines. I was the one to do the groceries for my relatives… It was very hard.
“Kahit na I wanted to be there [in Italy], but I couldn’t leave my relatives here. Ang hirap hatiin ang sarili,” ang lumuluhang pahayag ng binata.
Inamin rin ni Mark na matinding anxiety ang naranasan niya dahil sa mga pinagdaanan niyang hirap, pero dahil siya ang kinakapitan ng kanyang mga kaanak na may mga sakit, nilakasan ni Mark ang kanyang loob.
“I was just being positive. I just want to be healthy and take care of my self–physically, mentally, and emotionally–para mabigay ko rin yung energy na kailangan nila, so I could support them emotionally kahit malayo ako. It was really hard.
“There was so much pain. Back to back, ang daming nangyayari, tapos walang work, walang taping. So, I didn’t know how to help my family, hospital bills were so expensive. I was really struggling.”
Hanggang sa dumating ang silver lining sa kanyang madilim na buhay; napasama siya sa cast ng “Unbreak My Heart”, ang pinakamalaking collaboration ng GMA Network, ABS-CBN, at VIU Philippines!
“Unbreak My Heart is really the rainbow of this pandemic because it really gives me joy and hope about the future, about life. Kaya ayun, very grateful ako with what’s happening in my life right now.”
Happy pa si Mark na noong nagsu-shoot siya para sa “Unbreak My Heart” sa Italy ay nakadalaw pa sa set nila ang kanyang buong pamilya at nakapagpalitrato pa sa mga artistang kasama ni Mark sa show.
***
EERE na sa Linggo, June 4, 7:50 ng gabi ang “Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis” kaya sa dalawang programa ng GMA Network sabay na mapapanood si Raphael Landicho linggu-linggo.
Nasa cast rin kasi ng Voltes V: Legacy si Raphael bilang si Little John Armstrong.
“Masaya po siyempre kasi sa isang buong week mapapanood po ako ng mga tao, mapapanood po ako ng mga Kapuso,” ang nakangiting sinabi ng Kapuso child star.
“Magiging pamilyar na po yung mukha ko sa kanila! Kaya masaya po talaga ako.”
Kapag raw nasa mga pampublikong lugar si Raphael ay Voltes V ang tawag sa kanya ng mga tao.
“Opo, sasabihin din po nila, ‘Let’s volt in!’
“Actually nakaka-proud po talaga kasi ilang years po naming pinaghirapan yung project na yun, yung ‘Voltes V: Legacy’, ang dami pong nangyari, ako po noong una hindi pa po ako puwede mag-taping.”
Mahigpit pa ang health protocols noong nagsimulang mag-taping ang “Voltes V: Legacy” dahil sa pandemya; ang mga menor de edad (na tulad ni Raphael) at senior citizen ay bawal lumabas ng bahay that time.
Kaya naman noong umere na at mainit na tinanggap ng publiko ang serye ay tuwang-tuwa si Raphael.
“Tapos nalaman ko po na sinusuportahan nila yung Voltes V: Legacy, na pinaghirapan namin, tinatawag nila akong Little John, tinatawag nila akong Voltes V, kaya super-proud po ako talaga.”
Anak nina Senator Ramon ‘Bong’ Revilla at Beauty Gonzalez ang papel ni Raphael sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.
Kasama rin sa cast ng sitcom sina Max Collins, Kate Valdez, Kelvin Miranda, Nikki Co, ang baguhang Sparkle actress na si Angel Leighton at ang mga batikang aktor na sina Niño Muhlach, Jeric Raval at Maey Bautista.
Ang nabanggit na upcoming action-comedy series ay sa direksyon nina Enzo Williams at Frasco Mortiz.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Labor issues na binanggit ng sekyu na hostage taker, iimbestigahan ng DOLE
IIMBESTIGAHAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang labor issues sa mall sa Greenhills San Juan. Ito ay kasunod ng mga pahayag ng hostage taker na si Archie Paray na naglabas ng hinaing sa mga problema nilang security guards. Iniutos na ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang pag-iinspeksyon sa mga mall […]
-
Negosyo sa Maynila mas yumabong kahit may pandemya
Ipinagmalaki kahapon ni Manila City Mayor Isko Moreno sa kaniyang State of the City Address (SOCA) ang patuloy na pagiging matatag ng lungsod ngunit nagbabala na mararamdaman ang epekto ng tatlong buwang lockdown sa ekonomiya sa mga darating pang buwan. Sa kabila nito, sinabi ni Moreno na handa ang Maynila makaraang lumago pa ang […]
-
Triple-double ni Doncic, susi sa OT win ng Mavs vs Kings
Gumawa ng makasaysayang triple-double si Luka Doncic kasabay ng 114-110 overtime win ng Dallas Mavericks kontra sa Sacramento Kings. Bumuslo ang 21-anyos na si Doncic ng 34 points, career-high 20 rebounds at 12 assists, kaya itinanghal ito bilang pinakabatang player na nagtala ng 30 o mahigit pang puntos, 20 o mahigit pang rebounds, at […]