Sa pagkakasama sa drug list ni Los Banos Mayor Caesar Perez: PDu30, nagpaliwanag
- Published on December 10, 2020
- by @peoplesbalita
HAYAGANG nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagkakasama ng napaslang na si Los Banos Mayor Caesar Perez sa drug list ng gobyerno.
Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na produkto ng intelligence report ng mga nasa drug enforcement, pulis at militar ang naging pagkakabilang ni Perez, 66 taong gulang sa listahan ng mga government officials na umanoy sangkot sa iligal na droga.
Giit ng Punong Ehekutibo, hindi sa kanya ang listahan kung saan kasama ang pangalan ng binaril na alkalde na npon ay dating vice governor ng Laguna nang nadawit sa nasabing iligal na aktibidad.
” Iyang listahan na ‘yan hindi akin ‘yan. It’s a collation, lahat-lahat na ‘yan sa intelligence report sa mga drug enforcement at sa intelligence ng military, police. It’s a combination. Now, that list of mine which I read — because really everybody almost in the provinces,” anito.
Kaya ang mensahe ng Pangulo sa pamilya ni Perez ay kanyang ikinalulungkot ang nangyari sa Los Banos Mayor.
“Now, for those na ano… Itong — sagutin ko itong pamilya ni — kasi nanawagan sila sa ano. Iyong mga anak ni Perez.
First of all, I’m sorry that your father died the way it happened,” ayon sa Pangulo.
Ang Alkalde ay pinagbabaril nitong nakaraang Huwebes sa mismong compound ng town hall bandang alas 8:45 ng gabi. (DARIS JOSE)
-
South Korea, No. 2 sa COVID-19
Umakyat na sa 156 ang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus (COVID-19) sa South Korea. Nadagdagan pa ng 52 ang kumpirmadong kaso ng virus, ayon sa naitalang record nila. Bunsod nito, ang South Korea ang itinuturing na pinakagrabeng tinamaan ng virus sa labas ng China. Iniuugnay ang patuloy na pagtaas ng bilang ng […]
-
Extra special ang kanilang first TV commercial: DOMINIC, umaming iba rin ang pakiramdam na makatrabaho si BEA
FIRST time lamang palang mag-work together onscreen ang real-life sweethearts na sina new Kapuso actress Bea Alonzo at Dominic Roque. Kaya na-excite si Bea nang kunin siyang endorser ng isang brand of coffee na bukod sa photo shoot ay may TVC shoot din, at sila ngang dalawa ang magkasama. Nag-post si […]
-
Batang lalaki patay sa sunog sa Caloocan
NASAWI ang isang tatlong taon gulang na batang lalaki matapos matrap sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan City. Kamakalawa ng hapon. Ayon kay Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) chief Supt. Roberto Samillano Jr. dakong ala-1:30 ng Miyerkules ng hapon nang sumiklab ang sunog sa bahay na pag-aari ni Edelita Sacil sa Block […]