• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa pagtakbo ni VP LENI bilang Pangulo: ELY, kinukulit na ng netizens na tuparin ang pangakong reunion concert ng Eraserheads

DAHIL official ngang in-announce ni Vice President Leni Robredo ang paglaban sa pagka-pangulo sa Halalan 2022, nagtatanong ngayon ang netizens kay Ely Buendia kung tutuparin niya ang pangakong magkakaroon ng reunion ang Eraserheads.

 

 

Marami nga ang nagpakita ng suporta at kaligayahan sa naging desisyon ni VP Leni, kaya umulan ng mensahe at pink artcards mula sa social media users tulad ng Twitter.

 

 

Pero hindi nila nakalimutan ang pangako ni Ely habang nakasalang sa Q&A session ng kanyang Twitter account.

 

 

Natanong kasi si Ely kung may possibility na muling magkasama-sama ang members ng popular ’90s band na kinabibilangan nina Ely, Buddy Zabala, Raimund Marasigan at Marcus Adoro sa isang reunion concert.

 

 

Sumagot si Ely ng ,“Pag tumakbo si Leni.”

 

 

At dahil nga tatakbo na si VP Leni, marami talagang naghihintay sa magiging sagot ni Ely at sa reunion concert ng Eraserheads na suggestion nila ay gawing fund-raising para sa pagkampanya ni VP Leni sa buong bansa.

 

 

Say nga ng ilang netizen, “Eraserheads be covering Let it be by The Beatles, but in Leni version. Yes. Speaking words of wisdom. Leni Be.

 

 

“Imagainie Eraserhead reuniting para suportahan si Leni!!!! @elybuendua9001 #LetLeniLead #LetLeniLead2022.”

 

 

Great! That’s a good, good sign! I am getting goosebumps! Loving this collab! Leni for President plus Eraserheads reunion concert!    “Parang #ColdplayXBTS. You are our Universe VP Leni ! #LetLeniLead #Eraserheads @lenirobredo.”

 

 

Samantala, may gumawa ng art card na nakalagay in bold letters ang ‘LENI 2022’ nakabaligtad ang letter ‘E’ ay kinulayan ng pink. At sa ibaba ng art card ang naka-quote si Ely sa tungkol sa E-heads reunion pag tumakbo nga si VP Leni.

 

 

***

 

 

SI Anne Curtis pa rin ang ‘Most Followed Filipino Female Celebrities on Twitter’ at ‘di matinag sa top spot with 14.14M.

 

 

Hawak pa rin niya ang distinction na first Filipino celebrity na nagkaroon ng 14M followers sa Twitter. Pangalawa naman si Angel Locsin with 12.65M at pangatlo si Kathryn Bernardo with 10.52M.

 

 

Nasa pang-apat naman si Yeng Constantino with 7.42M ang nag-iisang singer sa Top 10, panglima naman si Maine Mendoza with 6.5M at pang-anim si KC Concepcion with 5.47M na labis nagpapasalamat sa kanyang followers.

 

 

Nasa Top 7 naman si Alex Gonzaga with 5.15M at pangwalo si Julia Montes with 4.91M at pang-siyam si Zeinab Harake with 4.58M na isa sa most followed Pinoy influencer sa TikTok at YouTube.  Paghuli, pasok sa Top 10 si Liza Soberano with 4.56M

 

 

Kitang-kita naman talaga ang kasikatan nila at influences sa netizens at followers, kaya binabantayan ang kanilang tweets at opinyon at pinagkakatiwalaan na maging endorser.

 

 

At ngayong Halalan 2022, sinu-suno kaya sa kanila ang kukulitin ng mga pulitiko na suportahan ang kanilang pagkandidato?

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Pacquiao alangan kay Golovkin

    SOBRANG bigat.   Ito ang isang rason kaya ayaw kagatin ni reigning World Boxing Association (WBA) super featherwerwight champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquaio si Gennady Golovkin ng Kazakstan sa sandaling magbalik sa ruwedang parisukat.   Ayon sa fighting senator, may kataasan ang timbang na 159.2 lbs. si Golovkin sa nakaraang pakikipagbanatan kay Sergiy Derevyanchenko ng Ukraine […]

  • 41% na nang higit sa 72 milyong balota…. 30 milyong balota naimprenta na para sa May 2025 national at local elections

    NAKAPAG-imprenta na ang Commission on Elections (Comelec) ng halos 30 milyong balota para sa mahigit 72 milyong balota sa kabuuang gagamitin sa May 2025 national at local elections. Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na ang nasabing bilang ay 41% na para makumpleto at hahabulin pa ang pag-imprenta ng mas malaking porsyento. Samantala, ang  […]

  • Batas na magpapataw ng mas maraming buwis sa Pogo, tinintahan na ni pdu30

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na magtatakda ng karagdagang buwis sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).   “Pinirmahan kahapon, September 22, 2021, ang Republic Act No. 11590 or an Act taxing Philippine Offshore Gaming Operations,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.   “Bahagi ito sa ating mahigpit na pagri-regulate ng lahat ng […]