• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa pamamagitan ng two new vlogs: Senator IMEE, sasalubungin ang ‘Year of the Water Rabbit’

IPAGDIRIWANG ni Senadora Imee Marcos ang Year of the Water Rabbit sa dalawang bagong vlogs na libreng mapapanood ngayong weekend sa kanyang official YouTube channel.

 

 

Sa Enero 21, Sabado, ipasisilip ni Imee ang kanyang mga subscribers sa katatapos lamang na kanyang pagbisita
sa Tsina kasama ang Pangulong Bongbong Marcos kung saan nakipagpulong sila kay Pangulong Xi Jinping at iba
pang matataas na opisyal ng gobyerno ng Tsina upang lalo pang maipaglawig ang samahan ng Pilipinas at ng
People’s Republic of China.

 

 

Ang episode naman sa Enero 22, Linggo ay iapapakita ang partisipasyon ni Senadora Imee sa Chinese New Year reception na ginanap sa Grand Hyatt Manila.

 

 

Ang okasyon na ito, na pinamunuan ng Chinese Ambassador to the Philippines na si Huang Xilian, ay nagpakita ng
cultural exhibit at highlighted din ito ng isang artistic dance performance mula sa mga Tsino at Pilipinong mga artists.
At kilala ang Senadora bilang taga-suporta ng kultura at sining.

 

 

Samahan natin si Senadora Imee Marcos sa kanyang Chinese New Year celebration at mag-subscribe
sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Cebu Province nasa ilalim na ngayon ng GCQ “with heightened restrictions” hanggang Agosto 15

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang Cebu Province sa General Community Quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” mula sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula ngayong araw, Agosto 1 hanggang Agosto 15, 2021.   Nire-classify din ang GCQ “with heightened restrictions status” ng Laguna at Aklan, […]

  • Trudeau, inimbitahan si PBBM na bumisita sa Canada sa 2024

    INIMBITAHAN ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na bumisita sa Japan sa susunod taon para sa pagdiriwang ng  75th diplomatic relations sa pagitan ng dalawang estado.     Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ipinaabot ang imbitasyon sa Pangulo sa isinagawang bilateral meeting kasama si Trudeau sa sidelines ng […]

  • MPTC, SMC magsasagawa ng RFID “interoperability test”

    Ang Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) at San Miguel Corp. group ay magsasagawa ng testing para sa “interoperability” ng kanilang radio frequency identification cashless toll payment systems na magiging parte ng kanilang plano na gumamit ng iisang RFID sticker sa lahat ng expressways.   Nilagdaan noong December 4 ang isang kasunduan sa pagitan ng dalawang […]