• May 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa previous episode ng ‘He’s Into Her’, nakadidismaya ang pambu-bully ng friends ni DONNY kay BELLE

NADISMAYA kami sa episode ng He’s Into Her last Sunday.

 

 

Hindi namin nagustuhan ang takbo ng kwento na binu-bully ng mga friends ni Donny Pangilinan si Belle Mariano.

 

 

Bullying is not right lalo na’t ang babae ang target ng bullying. At kahit na ano pa ang gender ng biktima ng bullying, it will never be right.

 

 

Kwento lang naman and work of fiction pero kung sino man ang nakaranas na ng bullying of any kind will surely cry foul sa ganoong takbo ng kwento.

 

 

Yun ba ang klase ng mensahe na gustong ipahatid ng He’s Into Her sa mga viewers ng programa?

 

 

Na okey lang ang bullying just to get back at a person?

 

 

Of course, tiyak na sasabihin ng creative team na makababawi rin sa kanyang tormentors ang karakter na ginagampanan ni Belle Mariano.

 

 

Pero just the same turn off talaga ang bullying arc ng kwento ng He’s Into Her.

 

 

***

 

 

SA tuwing aming nakikita ang shampoo commercial ni James Reid ay napapaisip kami kung ‘di ba nanghihinayang ang Viva contract star sa takbo ng kanyang career.

 

 

Ano na ba ang pinagkakaabalahan ni James ngayon? May trabaho pa ba siya na showbiz related?

 

 

Ayaw na ba niya talaga mag-artista? He lost the Pedro Penduko movie sa Viva after he had an injury.

 

 

The role was given instead to Matteo Guidicelli.

 

 

Sabi mas gusto raw ni James na mag-concentrate sa kanyang music career. Magaling din naman na musikero ang bf ni Nadine Lustre.

 

 

Sayang naman si James. With his looks, he can definitely other actors his age a run for their money.

 

 

Add to that his singing and acting abilities. He can still go a long way kung looks at talent ang pag-uusapan.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Sasali pa rin kahit gumaganda na ang showbiz career: HERLENE, patuloy na isusulong ang pagta-Tagalog sa mga pageants

    SOLID DongYan fan ang sikat na vlogger na si Zeinab Harake kaya naman hindi kataka-taka na napaiyak siya noong makita at makaharap niya ng personal sa isang event ang magandang misis ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera.     Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ay ikinuwento ni Zeinab na lahat […]

  • HELPER UTAS SA SKELETAL TRAILER

    TODAS ang isang 27-anyos na helper matapos maipit sa pagitan ng isang skeletal trailer at motor pool steel post makaraan ang naganap na freak accident sa loob ng NCT container yard sa Caloocan city.   Binawian ng buhay si Darwin Naguit, ng Kamagong Street, Brgy. Sta Clara, Sta. Maria Bulacan sanhi ng tinamong pinsala sa […]

  • Isusumpa ng manonood sa bago nilang serye: JENNICA, puring-puri si SHARON sa pagiging humble sa kabila ng kasikatan

    IKATUTUWA mo, my dear entertainment editor Rohn Romulo ang mga papuri ni Jennica Garcia sa mahal mong Megastar na si Sharon Cuneta.   Nabanggit kasi ni Jennica na kasali siya sa teleseryeng ‘Saving Grace’ na pinagbibidahan nina Sharon.   Lahad ni Jennica, “So ang susunod po natin, Saving Grace, Ms. Sharon Cuneta po ito.“Kung minahal […]