• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa sunod-sunod na pagkapanalo ng mga international awards: DINGDONG, inisa-isa ang mga aktor na naparangalan sa ibang bansa

NAG-POST ng kanyang pagkilala ang Kapuso Primetime King at President ng samahan ng mga AKTOR.

 

Ang posibleng naging dahilan ng Instagram post na ito ni Dingdong Dantes ay ang halos sunod-sunod na pagkapanalo ng mga international awards ng mga Pinoy actors.

 

Sa Instagram post ni Dingdong, inisa-isa niya ang mga actor na napaparangalan sa ibang bansa.

 

Ayon dito, “Nagbubunyi ang AKTOR (League of Filipino Actors) sa tagumpay na inaani ng mga Filipinong artista sa teatro, pelikula at telebisyon.

 

“Si Dolly de Leon ang unang artistang Pinoy na nominated sa Golden Globe Awards ng Estados Unidos. Nauna rito, itinanghal siyang best supporting acrtress sa Los Angeles Film Critics Award.

 

“Nagwagi naman si Jodi Sta. Maria sa Asian Academy Creative Awards.

 

“Napansin din ang pagganap ni Soliman Cruz sa Romanian Film na ‘To the North’ kasama sina Bart Guingona at Noel Sto Domingo; Chai Fonacier sa ‘Nocebo’ ng Amerika at si Stefanie Arianne ng Japanese film na ‘Plan 75’.

 

“Itinampok din sa pelikula ni Lav Diaz na ‘Kapag Wala nang mga Alon’ tumanggap ng papuri sa IFFI GOA sina John Lloyd Cruz, Ronnie Lazaro, Shamaine Centenera at DMs Boongaling.

 

“Ang mga tagumpay na ito ay karugtong ng mga naunang pagkilala sa mga artistang Filipino noon pa man—Charito Solis, Nora Aunor, Angeli Bayani, Jaclyn Jose, John Arcilla at iba pa.

 

Ayon pa kay Dingdong, maituturing na world class daw talaga ang talento at husay ng mga Filipinong actor.

 

“Tunay, ang mga Filipinong aktor ay kabilang sa pinakamahuhusay sa mundo, at maituturing na yaman ng bansa.

 

“Mabuhay ang Filipinong Aktor!”

 

***

 

 

HINDI naman talaga nakapagtatakang ma-link sa isa’t-isa sina Jelai Andres at Buboy Villar.

 

Grabe naman talaga ang closeness at pagiging inseparable ng dalawa. Na para bang basta wala silang work, silang dalawa ang siguradong magkasama.

 

At todo-suporta si Jelai sa movie ni Buboy, ang “Ang Kwento ni Makoy.” Ang nag-sponsor nito ang C.E.O/President ng Beautéderm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan sa pa-block screening.

 

Pareho naming nakausap in the past sina Buboy at Jelai. Pareho rin ang sagot nila na bff lang silang talaga, nothing romantic.

 

Pero bakit pati si Ms. Rei, parang iba na ang nakikita sa kanilang dalawa? In fact, sa social media post niya, tila kinikilig ito kina Jelai at Andres. At wish na ito na sana raw ang dalawa talaga ang magkakatuluyan.

 

Sabi niya, “Big screening for my baby @buboyvillar. Congratulations anak, napaiyak mo ko ng bongga! Galing mo! And si @jelaiandresofficial ang the best bff ever! Sana magkatuluyan na lang kau ahahahaha!”

 

Ang daming nagsi-ship sa kanila. Si Buboy na may dalawa ng anak sa former partner niya at si Jelai naman na nasa proseso ang annulment ng kasal.

 

So, who knows, ‘di ba?

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Sotto nabalewala career-high

    NAWALANG halaga career-high 21 points ni Kai Zachary Sotto sa pagtaob ng Adelaide 36ers laban sa Brisbane Bullets, 93-85, sa pagpapatuloy Lunes (Abril 11) ng gabi ng 44th Australia’s National Basketball League 2022 regular round sa Adelaide Entertainment Center.     Dumausdos ang Pinoy reinforcement at kampo sa 7-17 win-loss slate upang mapirmi pa rin […]

  • DPWH pinasalamatan ang PSC sa pagtulong ngayon coronavirus pandemic

    Pinasalamatan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Philippine Sports Commission (PSC) dahil sa pagtulong nito sa paglaban sa novel coronavirus pandemic sa bansa.   Sa sulat ng DPWH sa PSC, labis ang pasasalamat nila sa pagpapahiram ng PSC ng kanilang pasilidad.   Ginamit kasi ang ilang pasilidad ng PSC para gawing quarantine […]

  • ‘Instant classic’ naging banggaan ng Lakers at Warriors sa play-in

    Ngayon pa lamang tinawag na ng ilang sports analyst na instant classic ang naging banggaan kanina ng Los Angeles Lakers at Golden State Warriors.     Ang dalawang team ay dati na ring naging kampeon.     Makapigil hininga pa ang matchup ng dalawang magkaribal na team na kabilang sa koponan ang mga best players […]