• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa tell-all and just for fun interview: Korina, napaamin ang social media star at kaibigan na si Small Laude

ANG pinaka-latest talk of the town, ang talk show na ‘Korina Interviews’ na kung saan host ang multi-awarded broadcaster na Korina Sanchez-Roxas, ay muli na namang kagigiliwan ng mga manonood.

 

 

Dahil ngayong Linggo, November 13, makaka-chikahan niya ang social media star at kaibigan niyang si Small Laude.

 

 

Inamin ni Small na noong bata pa siya ay pangarap niyang maging donya at magkaroon ng sariling chedeng.
May paborito siyang yaya sa lahat ng mga lumabas sa kanyang mga vlogs (sino kaya?).

 

 

Dati ay hindi aprubado ng buong pamilya ang kanyang vlogging at na-depress ang kanyang mga anak dahil dito. At ngayon, mas nirerepesto siya ng kanyang asawa.

 

 

“Very personal ang kuwentuhan namin dahil matagal na kaming magkaibigan at para lang kayong nag-e-eavesdrop,”
sabi ni Korina.

 

 

“Kilala ko na si Small bago pa man siya pumasok sa vlogging at alam ko ang pakiramdam niya na siya ay disempowered. Maligaya ako at nahanap niya ang kanyang sarili sa mundo ng online!”

 

 

“I’m telling all. Basta. Of course. No bashing. It’s just for fun. Of course,” sabi naman Small.

 

 

Hitik sa katotohan at kasiyahan ngayong Linggo ika-5 nang hapon sa ‘Korina Interviews’ na napapanood sa NET 25.

 

 

Maaari ding mapanood ang episode na ito sa YouTube Channel ng ‘Rated Korina’ sa Miyerkules (November 16, 8:00 p.m.).

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Pagbaba ng satisfaction rating ni Pdu30, hindi alarming- Malakanyang

    PARA sa Malakanyang, hindi maituturing na alarming kundi “very good” pa rin ang pinakahuling satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bumaba sa 75% base na din sa inilabas na survey ng SWS.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, wala namang Presidente na hindi bumaba ang kanyang trust at satisfaction rating habang papalapit […]

  • At 81, gumawa ng history ang lifestyle guru: MARTHA STEWART, oldest cover model ng Sports Illustrated Swimsuit Issue

    HUMATAW sa TV ratings ang pagsisimula ng groundbreaking live-action adaptation ng GMA na “Voltes V: Legacy!”     Maliban diyan, kaliwa’t kanan din ang papuri ng diehard at new generation fans para sa megaserye! Marami ang humahanga hindi lang sa world-class visual effects nito kundi pati na rin sa mas pinalalim na kuwento ng bawat […]

  • Gilas Pilipinas pamatayang 3 sentro – Fajardo

    MAGIGING astig ang gitna ng Gilas Pilipinas para sa 19th International Basketball Federation (FIBA) World Cup 2023 na mga iho-host ng bansa sa pamamagitan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas,  Japan at Indonesia.     Ito ang nakikita ni veteran internationalist June Mar Fajardo dahil sa trio center ng national men’s basketball team para sa quadrennial […]