• May 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Safer and easier” air travel experience, mararanasan ng mga pasahero sa PTB sa Clark International Airport

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na papayagan ng bagong passenger terminal building (PTB) sa Clark International Airport (CRK) ang mga pasahero na i-enjoy ang “safer and easier” air travel experience sa kabila ng umiiral na coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

 

 

Ang pagtiyak na ito ni Pangulong Duterte ay kasabay nang pagbibigay puri sa Department of Transportation (DOTr), Bases Conversion and Development Authority (BCDA), at sa kanilang katuwang mula sa pribadong sektor para sa “massive” achievement ng pagtatayo ng bagong terminal facility sa CRK.

 

 

“I am pleased that this new terminal building that can accommodate [an additional] 8 million passengers a year kung pupunta sila dito. This is twice the airport’s current average capacity of more than 4 million passengers a year,” ayon sa Pangulo sa isinagawang pag-inspeksyon sa bagong PTB sa CRK sa Pampanga.

 

 

Ang newly-completed PTB sa CRK ay kauna-unahang hybrid public-private partnership project na nakumpleto sa ilalim ng “Build Build Build” infrastructure program ng Duterte administration.

 

 

Umaasa naman si Pangulong Duterte na mahihikayat ang publiko na i-explore o galugarin ang bansa sa gitna ng pandemya.

 

 

“As we continue to recover from the Covid-19 pandemic and adopt a new normal, may we all look forward to a safer, easier, and more comfortable travel and experience here and in our international airport,” anito.

 

 

Aniya pa, ang bagong terminal building sa CRK ay makatutulong din na i-decongest ang trapiko sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City at makapabigay ng maayos na “flying experience” para sa mga local tourists.

 

 

Kumpiyansa naman ang Pangulo na ang local economy “can absorb the number of people coming to visit”.

 

 

Aniya pa, ang bagong pasilidad sa CRK ay makalilikha ng mas maraming hanapbuhay at mapapalakas ang economic activities.

 

 

“This structure before us reflects the administration’s unyielding commitment to improve the quality of life of every Filipino by providing big-ticket infrastructure projects such as this that will improve connectivity [and] mobility, [and] create jobs, as well as economic activities,” anito.

 

 

Ang bagong PTB ay makatutulong na mapataas ang annual operational capacity ng airport ng 12.2 milyon, bukod pa rito ang 8 milyon sa kasalukuyang 4.2 milyon.

 

 

Inaasahan din na makapagpapalakas ito sa economic growth sa North at Central Luzon. (Daris Jose)

Other News
  • Wala nang SAP sa 2021 budget – DBM

    Wala nang ilalaan na pondo ang gobyerno para sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng panukalang pambansang pondo para sa taong 2021.   Ito ang nilinaw ni Budget Secretary Wendel Avisado sa pagsisimula sa pagtalakay ng House Committee Appropriations ni Sen. Sonny Angara sa P4.5 trillion national budget para sa susunod na taon.   Sa […]

  • Pinsala ni Enteng sa Agriculture umabot na sa P350 milyon – DA

    UMABOT na sa P350 -milyon ang inisyal na halaga ng pinsalang natamo ng agri sector dahil sa pananalasa ng bagyong Enteng.     Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA), mayroong 8,893 na ektarya ng sakahan ang naapektuhan sa Bicol region.     Katumbas ito ng 13,623 na apektadong magsasaka at production loss na […]

  • Ads December 8, 2021