• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Safer Internet Day: Globe, may webinar sa online child safety at protection

PAGTITIPON-tipunin ng Globe ang key stakeholders at multi-sectoral partners ngayong buwan sa isang webinar.

 

 

Naglalayon ito na mapalawak ang kamalayan at maisulong ang tuloy-tuloy na pagkilos tungo sa proteksyon ng mga bata laban sa1 online sexual abuse at exploitation.

 

 

Ipagdiriwang ang annual Safer Internet Day, at ang Globe ay magho-host ng #MakeITSafePH Webinar bukas, February 8, ganap na alas-10:00 ng umaga habang muling pinagtitibay ang komitment1 sa adbokasiya para sa online child safety.

 

 

Ang learning session ay streaming sa Globe Bridging Communities Facebook page. Layon nitong bigyang-diin ang Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) sa Pilipinas at ang mga paraan kung paano makasusuporta ang publiko sa1 paglaban dito.

 

 

“As a digital solutions group we look for ways to combat OSAEC through partnerships, instituting technical solutions and working with the relevant stakeholders. Ultimately, we aim to keep our kids safe when they spend time online,” pahayag ni Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer and SVP for Corporate Communications.

 

 

Ang webinar ay pangungunahan ng UNICEF, na ipinaglalaban ang mga karapatan at proteksiyon ng mga bata, at nangunguna sa pagpapatupad ng SaferKidsPH platform. Tatalakayin ng UNICEF ang OSAEC landscape sa Pilipinas at kung bakit ang child protection ay isang “collective responsibility.”

 

 

Tatalakayin ng Internet Watch Foundation ang global impact ng OSAEC, habang magbibigay ang CitizenWatch Philippines and Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente (BK3) ng pananaw sa kung paano naaapektuhan ang digital citizens ng isyu.

 

 

Ayon sa isang pag-aaral na pinangunahan ng US-based National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC), sa pakikipagtulungan sa Philippine government na may titulong “Online Sexual Exploitation of Children in the Philippines: Analysis and Recommendations for Governments, Industry and Civil Society,” kinakailangan ang kagyat na pagkilos laban sa online sexual exploitation ng mga bata dahil ang Pilipinas ay kabilang sa world’s top producers ng content na nakaugat sa ganitong uri ng pag-abuso.

 

 

Lumitaw sa maraming pag-aaral na maraming pamilya ang ginagamit ang kanilang mga anak para kumita sa pamamagitan ng OSAEC, lalo na nang pumutok ang pandemya kung saan marami ang nawalan ng trabaho.

 

 

Sinusuportahan ng Globe ang mga inisyatiba ng pamahalaan na labanan ang online sexual abuse at exploitation of children at patuloy na namumuhunan sa public education on digital citizenship and responsibility tulad ng Digital Thumbprint Program. Nakipagpatner din ito sa Internet Watch Foundation (IWF) para paigtingin ang laban kontra OSAEC, at sa Canadian Center for Child Protection para matukoy ang iba pang illegal websites at ma-block ito sa kanilang network.

 

 

Ang #MakeITSafePH campaign ay nagkakaloob din ng practical tips at simpleng impormasyon hinggil sa cybersecurity at safety. Isinusulong nito ang pagbabantay sa online upang tulungan ang mga Pilipino na malabanan ang online hacking, identity theft, at iba pang cybercrimes.

 

 

Ang Globe ay mahigpit na sumusuporta sa United Nations Sustainable Development Goals, partikular sa UN SDG No. 9, na nagbibigay-diin sa papel na ginagampanan ng imprastruktura at inobasyon bilang krusyal na tagapagsulong ng economic growth at development. Nakahanda itong pagtibayin ang UN Global Compact principles at mag-ambag sa 10 UN SDGs.

Other News
  • Fuel subsidy sa trike drivers, pabibilisin – DOTr

    PABIBILISIN  ng Department of Transportation (DOTr) ang pamamahagi ng fuel subsidy sa libu-libong tricycle dri­vers na hindi pa natatanggap ang bahagi nila sa P2.5 bilyon na inilaan ng pamahalaan.     Ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano, pinag-usapan nila ni DOTr Sec. Jaime Bautista kung paano mapapabilis ang pamamahagi ng subsidy dahil hirap na hirap […]

  • Philhealth, ipagpapatuloy ang pagbabayad ng hospital claims

    IPAGPAPATULOY  na ng Philippine Health Insurance Corporation ang pagbabayad ng mga unpaid hospital claims.     Ayon Philhealth Vice President for Corporate Affairs Dr. Shirley Domingo nakikipag-ugnayan na ang kanilang regional offices sa mga ospital para sa kanilang claim’s payment.     Nagsasagawa din sila ng reconciliation meetings at sa katunayan, nagbayad aniya ang Philhealth […]

  • MAYO 9, ARAW NG HALALAN, SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY

    OPISYAL nang idineklara ng Malakanyang na Special (Non-Working) Holiday sa buong bansa ang araw ng Lunes, May 9, araw ng National at Local Elections.     Nakasaad sa ipinalabas na Proclamation No. 1357 ng Malakanyang na kapuwa pirmado nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Executive Secretary Salvador Medialdea Jr. na may pangangailangan na ideklarang special […]