• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Safety Seal Certification, inilunsad sa Navotas

INILUNSAD sa Lungsod ng Navotas ang Safety Seal Certitification program para sa pagpapakita ng pagsunod ng business establishments sa minimum health standards.

 

 

Pinangunahan ni nina Congressman John Rey Tiangco, Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya at Vice-Mayor Clint Gernonimo launching at Ceremonial Awarding nito na ginanap sa Puregold Navotas Branch.

 

 

Ayon kay Cong. Tiangco, ang Safety Seal ay isang pisikal na pagpapakita ng pagsunod ng business establishments sa minimum health standards na required ng gobyerno laban sa pagkalat ng Covid-19.

 

 

Ito ay base aniya sa compliance checklist ng DOLE-DOH-DILG-DOT-DTI Joint Memorandum Circular No. 21-01 Series of 2021 at ng DILG Memorandum Circular 2021-053.

 

 

Sinabi pa ni Cong. JRT na kabilang ang Puregold, Mc Donalds at Jolllibee sa mga establishments na may Safety Seal sa Lungsod ng Navotas. (Richard Mesa)

Other News
  • No. 14 top most wanted person ng Malabon, kalaboso

    SINILBIHAN ng mga awtoridad ng warrant of arrest ang isang 18-anyos na tinaguriang No. 14 top most wanted person ng Malabon City habang nakapiit sa Malabon Police Station Custodial Facility makaraang masangkot sa panggugulo at makuhanan ng patalim.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong akusado na si Aaron Jerry […]

  • Duterte, muling ipinagtanggol si Duque sa isyu ng PhilHealth

    MULING ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.   Ito ay may kaugnayan sa pagdawit sa kalihima sa anomalyang nagaganap sa Philip- pine Health Insurance Corporation (PHilHealth). Ayon sa pangulo na ang iskandalo sa PhilHealth ay hindi sapat para kasuhan si Duque.   Dagdag pa nito na kaniyang […]

  • DOE, nanawagan nang mabilis na rollout ng electric vehicles

    NANAWAGAN ang Department of Energy (DOE) para sa mas mabilis na rollout ng electric vehicles sa bansa para mabawasan ang pagsandal nito sa fossil fuels.     “The shift to EVs is expected to reduce the country’s dependence on imported fuel and to promote cleaner and energy-efficient transport technologies,” ang pahayag ng DOE sa isang […]