• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sakop para imbestigahan ang korapsyon sa pamahalaan, pinalawig ni PDu30

PINALAWIG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang saklaw ng imbestigasyon ng Inter-Agency Task Force na binuo nito para tingnan ang korapsyon sa pamahalaan.

 

Ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa task force na imbestigahan ang di umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

 

“It behooves upon me to see to it na itong corruption mahinto or at least maputol nang konti,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Binuo ng Chief Executive ang inter-agency body noong buwan ng Agosto para imbestigahan ang alegasyon ng korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Pangulong Duterte na wala siyang masamang tinapay kay DPWH Secretary Mark Villar, kung saan ay pinuri pa nga niya ito sa kanyang mga accomplishments bilang isa sa mga ‘key officials’ ng pamahalaan pagdating sa infrastructure program.

 

Bumuo ng task force ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para tutukan ang mga paratang ng korapsyon sa ahensiya.

 

“We are looking at some complaints. We will be even more aggressive. Ngayong may task force mas lalo namin tututukan,” sabi ni Public Works Secretary Mark Villar.

 

Sa kanyang talumpati noong gabi ng Lunes, muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DPWH dahil talamak umano ang korapsyon sa ahensiya, kung saan bilyon-bilyong pondo ng gobyerno ang napupunta para sa mga proyektong pang- imprastruktura.

 

Pero idiniin ng Pangulo na ang puntirya niya ay ang ilang tauhan ng ahensiya at hindi si Villar, na mula sa isang bilyonaryong pamilya.

 

“Si Villar mayaman. Sec. Villar maraming pera, ‘di kailangan mangurakot. Ang problema, sa baba. Malakas pa rin hanggang ngayon. ‘Yung mga projects sa baba, ‘yun ang laro diyan,” sabi ni Duterte.

 

Sa 2019 report ng Commission on Audit sa DPWH, lumalabas na talamak ang over- pricing sa mga proyekto at pinababalik ang higit P431 milyon na patong ng mga contractor.

 

Isa sa 184 projects na overpriced umano ang rehabilitasyon ng drainage sa Katipunan Street sa Marikina City, na sobra umano ng higit P5 milyon.

 

Sinita rin ng COA ang delayed at hindi nasimulang mga proyekto, na higit P100 bilyon ang halaga. (Daris Jose)

Other News
  • Gobyerno, hahanap ng paraan para protektahan ang kabuhayan ng tobacco farmers— PBBM

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat na humanap ng paraan ang pamahalaan para protektahan ang kabuhayan ng mga tobacco farmers sa bansa.     Ito’y bunsod na rin ng makabuluhang  tax revenues mula sa tobacco industry.     Ito ang binigyang diin ni Pangulong Marcos sa kanyang naging mensahe sa idinaos na International […]

  • Delta variant umabot na sa Taguig

    Kinumpirma kahapon ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na ­umabot na sa kanila ang pinangangambahang Delta variant ng CO­VID-19, base sa resulta ng pagsusuri sa mga samples ng COVID-19 patients.     “May isa po tayong kaso ng Delta variant o iyong nanggaling sa India,” ayon kay Clarence Santos, pinuno ng Taguig Safe City Task Force […]

  • Dahil may ‘something’ na sila ni RAYVER: JULIE ANNE, in-unfollow na ni JANINE sa kanyang Instagram at Twitter account

    ANG pagiging mas lalong malapit nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz kaya ang dahilan kung bakit ini-unfollow na raw ni Janine Gutierrez si Julie sa Instagram at Twitter account nito?     Nalaman namin na naka-unfollow na si Janine kay Julie dahil sa mga tila imbestigador na mga fans. Sila ang nakapansin na […]