Salary increase ng teachers sa 2021 tiniyak ng DepEd
- Published on September 4, 2020
- by @peoplesbalita
Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na magpapatuloy ang kanilang salary increase na kabilang sa 2021 national budget.
Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, nasa P475 bilyon ang inilaan sa mga serbisyo ng ahensya kabilang na angf sahod, allowance at mga benipisyo ng kanilang mga empleyado.
“By next year meron naman pong salary increase. Ito ‘yung second tranche noong Salary Standardization Law,” saad ni Sevilla.
“Meron pong kasiguraduhan sa ating mga guro na naka-employ ngayon,” dagdag pa nito.
Nabatid na tumaas ng 13.54 percent ang pondong inilaan sa DepEd kumpara nooong 2020 budget kung saan nasa P418.4 bilyon lang ito.
Sa kasalukuyan ang sektor ng edukasyon ang nakakuha ng pinakamalaking budget sa National Expenditure Program para sa taong 2021 kung saan PP606.4 bilyon dito ay mapupunta sa DepEd. (Daris Jose)
-
Tulak debdol sa drug buy-bust sa Malabon
Isang hinihinalang drug pusher ang namatay matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy bust operation laban sa kanya sa Malabon city, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang namatay na suspek si Arnel Rabot, 23 ng No. 21 Interior, Brgy. Potrero. Ayon kay Col. […]
-
Rigodon sa Kamara: Kumalaban kay Cayetano, hinubaran ng chairmanships
KASUNOD ng ugong ng kudeta sa House Leadership, nagpatupad ng rigodon kahapon sa House Committee Chairmanship kung saan tinanggalan ng pwesto ang ilang mambabatas na hindi kaalyado ni House Speaker Alan Peter Cayetano na maaring nasa likod ng ouster plot. Sa pagsisimula ng House Plenary Session kahapon (Lunes) ay agad na nagmosyon si Senior […]
-
Panukalang nagdedeklara sa national election day bilang holiday, pasado sa ikalawang pagbasa
INAPRUBAHAN ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill 8187 na nagsusulong na gawing regular non-working holiday ang araw ng halalan upang ma-engganyo ang mas maraming botante na bumoto. Sa ilalim ng panukala, kabilang sa “national elections” ang plebesito, referendums, people’s initiatives, at special elections. Samantala, ipinasa din ng kamara sa […]